Xian Gaza may patutsada sa gobyerno: Nakautang ng trilyones, ba’t walang pondo para sa jeepney modernization?
NAG-REACT ang social media personality na si Xian Gaza ukol sa kasalukuyang nagaganap na transport strike ng mga tsuper hinggil sa modernisasyon ng mga jeep.
Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin ukol sa isyung kinakaharap ng bansa.
“Nakapaglibot na ko sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at sa Pilipinas ko lang nakita na yung primary mass transportation system ng bansa ay wala sa budget ng national government,” panimula ni Xian.
“Kung wala ang jeep, hindi dadaloy ang ekonomiya ng buong Pilipinas. I’m not exaggerating. That’s reality. Ang majority ng sambayanang Pilipino ay araw-araw sumasakay dito,” dagdag pa niya.
Binansagan rin ni Xian na “blood of the Philippine economy” ang mga jeepney.
Bagamat suportado ng social media personality ang jeepney modernization dahil makakapagpaganda ito ng bansa pero dapat raw ay pondohan ito ng gobyerno mula sa buwis ng mga taxpayers.
Baka Bet Mo: Dingdong naranasang maging jeepney driver, reaksyon ng netizen: Hindi ako sasakay sa kanya, nakakainsulto, eh!
Sey pa ni Xian, “Walang pondo? Nakautang nga ng trilyones ang Duterte Administration. Kung gugustuhin, maraming paraan.”
Isa kasi sa mga idinadaing ng mga apektadong tsuper at operatior ay ang presyo ng bawat bagong unit na mula P1.1 million hanggang P2.5 million. Ang naunang pangakong subsidy kasi ng gobyerno ay P160,000 lang.
Giit ni Xian, “If you want to modernize the number one transportation system of our beloved nation, then our tax should fund it. The government should subsidize the entire sector. It is our duty.
“Hindi ito obligasyon ng mga jeepney drivers na araw-araw kumakayod para patakbuhin ang ekonomiya ng bansang Pilipinas.”
Nilinaw rin ni Xian na hindi ito na ito patungkol sa kung sino ang nakaupo sa pwesto.
Bukod pa rito, inihayag rin niya ang malungkot na katotohanan na kahit gustuhin rin ng mga tsuper na makapag-adapt sa modernization ay hindi rin sila maaaprubahang umutang sa bangko.
“Another sad reality for our jeepney drivers eh the banks won’t approve their car loans due to lack of financial capacity. So what will happen? Loan sharks will take advantage of the situation. 5%-20% per month. Ano na lang ang matitira sa kita ng mga jeepney drivers?” sey pa ni Xian.
Hirit pa niya, “Ang daming pinondohang Build Build Build infrastructure projects pero yung jeepney modernization hindi pinaglaanan.”
Related Chika:
LTFRB sa ikakasang transport strike: ‘We are ready…Kayang-kaya namin punan ‘yan’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.