Dingdong naranasang maging jeepney driver, reaksyon ng netizen: Hindi ako sasakay sa kanya, nakakainsulto, eh!
SIGURADONG nag-enjoy ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa pagiging jeepney driver for a day.
Ibinandera ng TV host-actor sa kanyang Facebook page ang mga litrato na kuha habang nagmamaneho siya ng pampasaherong dyip.
Walang caption na inilagay si Dingdong sa mga pictures na ibinahagi niya sa kanyang FB followers pero ang hula ng mga netizens, baka raw para ito sa programa niya sa GMA 7 na “Amazing Earth” o sa “Family Feud.”
At kahit nga naka-facemask ang Kapuso actor ay marami pa rin ang nakakilala sa mister ni Marian Rivera. Komento nga ng mga DongYan fans, mata pa lang ni Dingdong ay ulam na!
Pero halos iisa ang naging komento ng kanyang socmed followers nang makita ang mga “jeepney” photos ni Dong — sana raw ay nasakyan din nila si Dingdong at nasilayan ang kaguwapuhan nito.
Narito ang ilang komento ng netizens sa pagiging jeepney driver ni Dong.
“Nice naman ganyan sana para naman paminsan minsan maramdaman nyo ang pamumuhay ng mga ordinaryong tao.”
“Hi Sir Dingdong Dantes! I love how you respect and give tribute to all kinds of people… Drive safe po.. God bless you.”
“Sarap mag commute pag ganyan kapogi ang driver.”
“Wag nyo po kalimutan ang dingdong guantes. Iwas kalyo. Ride safe.”
“Please lang magluto ka ng masarap na dinner, pagod na pagod si Papa D #DadD.”
“Pag ikaw ang driver kht maubos pera q s wallet maground trip aq ng mag round trip pero gusto q asa likod mu aq.”
“hala’ ang swerte nman ng mga na survey nah pasahero……. hehhehehehe.”
“Sabi na eh ikaw nga yun. kutis palang and familiar look, nag alangan lang talaga ako.”
“Hindi ako sasakay dito, nakakainsulto eh! Mas fresh pa sakin yung jeepney driver.”
“Sarap naman po sumakay jn pogi ng driver at mabait pa ingat po kayo.”
https://bandera.inquirer.net/303733/dingdong-pamilya-nakipaglaban-din-sa-covid-19-na-survive-namin-ito-dahil-sa-mga-ayuda-ninyo
https://bandera.inquirer.net/305154/judy-ann-masaya-sa-covid-19-vaccine-experience-ng-mga-anak-all-in-kami
https://bandera.inquirer.net/286351/vice-umaming-pumurol-sa-pagpapatawa-ito-yung-effect-sa-akin-ng-pagkakakulong-ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.