Baguhang movie producer nabudol ng direktor, napahiya sa mga investor ng ginastusang pelikula | Bandera

Baguhang movie producer nabudol ng direktor, napahiya sa mga investor ng ginastusang pelikula

Reggee Bonoan |March 09,2023
facebook
share this

Baguhang movie producer nabudol ng direktor, napahiya sa mga investor ng ginastusang pelikula

Reggee Bonoan - March 09, 2023 - 06:50 AM

Baguhang movie producer nabudol ng direktor, napahiya sa mga investor ng ginastusang pelikuka

Guess, guess who! Ma-gets n’yo kaya kung sinetch itetch?

SOBRANG nanlumo ang baguhang film producer nang mapanood niya ang unang pelikulang kanyang ipinrodyus.

Kasama niyang nanood ang ilan sa kanyang investors at talagang napahiya siya sa resulta ng project dahil hindi raw nasunod ang pinag-usapan nila ng direktor.

Walang binanggit na pangalan ng direktor ang baguhang film producer dahil ayaw na niyang lumaki pa ang isyu.

Pero nanghihinayang talaga siya plus nahiya rin siya sa mga investor kaya kinailangan niyang iparetoke o i-reshoot ang pelikula na ang bida ay isang kilalang young actress.

Kuwento ng aming source, “Hindi nagsasalita si ____ (baguhang film producer) pero ramdam mo ‘yung stress at dismaya sa kanya.

“Kaya pina-reshoot niya kay ____ (kilalang direktor ng pelikula at series). Isipin mo ‘yung addtional gastos? E, hindi naman mura ang talent fees ng direktor at ng mga artista, plus buong production.”

Baka Bet Mo: Showbiz couple bigla na lang naghiwalay; may malalim na dahilan ayon sa aktor

Tinanong namin kung ilang percent ang ni-reshoot sa pelikula, “Almost 80 percent, teh. Kaya nawiwindang si ____ (baguhang film producer).”

Inusisa rin namin kung hindi ba muna nag-research ang producer sa mga nagawa na ng direktor na kinuha nila.

“Hindi ko alam, eh, parang dinig ko nirekomenda, e, hindi naman nasiyahan si ____ (baguhang film producer),” sagot sa amin.

Kaya lesson learned na raw ito sa baguhang film producer. Pero sa kabila ng mga nangyari may next project na agad siya na horror ang tema.

Kilalang celebrity nanganganib na malugi ang negosyo, major stockholder umatras na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nanay ni Jane de Leon biglang napaiyak nang mapanood na ang anak na naka-Darna costume

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending