Kapatid ni Rico Yan umalma sa film producer-writer na gumagamit sa yumaong aktor: Pathetic! | Bandera

Kapatid ni Rico Yan umalma sa film producer-writer na gumagamit sa yumaong aktor: Pathetic!

Therese Arceo |April 15,2022
facebook
share this

Kapatid ni Rico Yan umalma sa film producer-writer na gumagamit sa yumaong aktor: Pathetic!

Therese Arceo - April 15, 2022 - 12:45 PM

Kapatid ni Rico Yan umalma sa film producer-writer na gumagamit sa yumaong aktor: Pathetic!

NAGPATUTSADA ang kapatid ni Rico Yan na si Tina Marie Yan patungkol sa isang film producer-writer na tila gumagamit raw ng pangalan ng kanyang yumaong kapatid.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories ay inilahad niya ang saloobin ukol sa nanggagamit sa kapatid.

“Some supposed Filipino educator, writer, multi-media producer, talent manager, author, broadcaster (daw) had some nerve to post my late brother’s picture in his IG and use it to make it seem he is attacking someone else who used my late brother’s name for her campaign,” saad ni Tina.

Bagamat walang pangalang binanggit ay marami ang nagsasabing si Noel Ferrer ang pinatutungkulan nito base na rin sa paglalarawan ng kapatid ni Rico.

“The sickening part of all this is that what he accuses the other person doing, is what he is EXACTLY doing himself as his IG obviously shows which presidential candidate he is rooting for,” pagpapatuloy ni Tina.

Aniya, tila ipinapahiwatig raw ng taong ito na close sila ni Rico sa pamamagitan ng pagpo-post nito ng larawan nila na magkasama. Wala rin daw itong karapatan na gamitin ang kapatid para sa pangangampanya nito sa sinusuportahang kandidato ngayong darating na eleksyon.

Lahad ni Tina, “And to make matters really worse, he dares post a photo of my late brother making it seem like they were ‘oh so close’ that he can say what he thinks.

“YOU listen to me as I say it again, YOU HAVE NO RIGHT DRAGGING MY LATE BROTHER’S NAME INTO YOUR INDIRECT CAMPAIGN MOTIVES.”

Hirit pa ni Tina, napaka-pathetic ng ginawa ng taong kanyang pinatutungkulan nang mag-tag pa ito ng pari sa kanyang post.

Sinabi rin nitong tantanan na ang pangalan ni Rico.

“And you are far more worse as you have the nerve to tag a priest into your post. Just goes to show how pathetic you’ve stooped down to. I don’t care about yours or anyone’s political views — YOU JUST LEAVE MY LATE BROTHER’S NAME OUT OF THIS. Pathetic!” mainit na saad ni Tina.

Sa ngayon daw ay naka-block na siya sa account ng film producer-writer.

“Oh, and take note. His comments are now OFF and has blocked me after I told him not to use my late brother. OBVIOUSLY guilty as charged. LOSER USER!” sey ni Tina.

Ni-repost naman ng aktres na si Claudine Barretto ang pahayag ni Tina sa kanyang Instagram account at nagpasalamat sa kapatid ng dating kasintahan.

Matatandaang usap-usapan ngayon ang aktres at kasalukuyang tumatakbong councilor sa Olongapo City matapos nitong ipahayag ang pagsuporta niya kay presidential candidate Bongbong Marcos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)

Dito na nga nakaladkad ang pangalan ng kanyang yumaong boyfriend na si Rico Yan matapos may netizen na nag-react na mukhang tagahanga ng kanilang loveteam.

Kaya naman nang sabihin ni Claudine na Marcos supporter si Rico ay nag-fact check si Noel Ferrer at sinabing kasama niya ang aktor nang ipagdiwang ang EDSA Power People Anniversary na nagpatalsik sa mga Marcos sa pwesto.

Samantala, isang netizen ang nag-reply sa comment ni Janelle Jamer, bff ni Claudine, na sana’y paalalahanan nito ang kanyang kaibigan na huwag nang gamitin si Rico.

Talak ni Janelle, “Sa mga nagsabi na wag sana idamay ni Claudine si Rico Yan sa pangangampanya. FYI Sumagot po si Claudine sa basher at sa isang follower na UNANG nagbigay ng kumento about Rico. Hindi si Claudine ang unang nagsalita about Rico.

“Di na nirespeto, kailangan pa i-comment na madidisappoint si Rico kay Claudine dahil BBM sya. Pati yung nanahimik na, eh sinali pa at ginamit kay Claudine? Wala naman pong Rico sa caption. Ang simple nga ng caption eh. “BBM po ako.” Yun Lang ang sinabi.

“Kailangan pa sabihin na hindi magiging proud si Rico if nabubuhay sya? Tapos nung nagreply si Claudine, Si Claudine pa ang naging masama? Sana matuto tayo rumispeto ng gusto ng iba. Kung sa paniniwala nila eh mahusay ang manok nila. Eh Bakit Kailangan pa makipag-away at mambash?

“Ang mga writer naman eh dinampot Lang ang comment nya na parang ang dating eh sya pa ang nag umpisa.

“Mahal na araw ngayon. Lahat ng Tao dapat mag reflect. Wag tayo magsalita na parang lahat tayo eh walang pagkakamali. Godbless.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Claudine Barretto nagpakita ng suporta kay Bongbong Marcos, pero bakit nakaladkad sa isyu si Rico Yan?

Claudine sinupalpal ng ‘ebidensiya’ para patunayang hindi ‘true blooded Marcos’ si Rico Yan; Noel Ferrer may ‘resibo’ rin

Ogie Diaz kay Claudine Barretto: Sana hindi na niya ginamit si Rico Yan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending