Kilalang celebrity nanganganib na malugi ang negosyo, major stockholder umatras na | Bandera

Kilalang celebrity nanganganib na malugi ang negosyo, major stockholder umatras na

Reggee Bonoan |December 30,2021
facebook
share this

Kilalang celebrity nanganganib na malugi ang negosyo, major stockholder umatras na

Reggee Bonoan - December 30, 2021 - 09:48 AM

POSIBLENG mag-alisan na ang iba pang investors ng kumpanya ng isang kilalang personalidad na may kinalaman sa import/export at buy and sell business dahil isa sa major stockholder nito ang nag-pullout ng kanyang shares.

Sa ginanap na annual meeting ng mga investor at ng kilalang personalidad ay ini-report na umalis na ang isa sa may pinakalamaking shares sa kumpanya bagay na ikinagulat ng lahat.

Kaya raw pala hindi na nila ito nakikita sa ilang meetings at wala ring pasabi kung anong nangyari kaya’t nagtanong na ang mga investor at saka lang ikinuwento ng kilalang personalidad ang totoo.

Nagulat ang mga investors dahil ang umalis na kasamahan nila pala ang dahilan kung bakit naengganyo silang mag-invest sa import/export at buy and sell business ng kilalang personalidad.

Sabi ng aming espiya sa isyung ito, “Nagkaroon ng mainitang pag-uusap bakit daw hinayaang umalis at anong nangyari. Ang sabi lang ni ____ (kilalang personalidad) ay gustong mag-concentrate sa sariling negosyo na build-build and sell and rent at marahil doon inilagay ang malaking halagang pinull-out sa kumpanya nila.”

Isa raw sa investor na kilala sa larangan ng food business ay nagsabing tatanggalin na niya ang shares niya sa kumpanya ng kilalang personalidad at mukhang magsusunuran pa ang iba pa.

Kaya si kilalang personalidad ay nag-set ulit ng meeting sa investors nila sa unang quarter ng 2022 dahil walang pinagkatapusan ang meeting nila nitong 2021.

“Kabado na si ____ (kilalang personalidad) dahil pag nag-alisan ‘yan, major bagsak ang negosyo niyang export/import plus buy and sell business niya,” dagdag pa ng aming espiya.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nag-reach out na ang kilalang personalidad sa umalis na investor sa kumpanya niya.

“Hindi sinasagot ni _____ (investor) si (kilalang personalidad) kasi wala namang pag-uusapan, dyulit-dyulit (paulit-ulit) lang,” sabi ng aming espiya.

Si kilalang personalidad ay madalas nasusulat sa business at lifestyle section sa mga broadsheets at business magazines.

Sikat na celebrity may hugot sa kilalang aktor: Ang hilig niyang mamikon, tapos siya pikon!?

4 na negosyo ni Robi nagsara dahil sa pandemya pero naka-survive pa rin: Hindi naman kasi ako maluho

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending