Young actress perfect na sana...maganda, sexy pero walang boobs | Bandera

Young actress perfect na sana…maganda, sexy pero walang boobs

Cristy Fermin |February 10,2020
facebook
share this

Young actress perfect na sana…maganda, sexy pero walang boobs

Cristy Fermin - February 10, 2020 - 12:15 AM

OO nga naman. Kung ganda ang pag-uusapan ay walang magsasabing may kailangan pang baguhin sa itsura ng isang young female personality. Kumpletos rekados na ang kanyang ganda.

Wala nang kailangan pang idagdag at ibawas sa mga bahagi ng kanyang mukha. Napakaganda niya na. Pero sa kanyang katawan ay may napapansin ang mga nakatanaw lang sa young female personality.

Kuwento ng isang source, “May kailangang idagdag sa body niya. Sobrang flat-chested siya. Wala siyang boobs. Malalaglag ang upper part ng gown sa kanya dahil walang pangharang!

“Malaking problema ‘yun sa mga designers, mahirap i-design ng gown ang mga walang boobs! Kitang-kita naman na wala talaga siyang pangharang!” unang chika ng aming impormante.

Kapag nakaordinaryong t-shirt lang ang magandang young actress ay kitang-kita rin na walang umbok ang kanyang harapan.

“Iba pa rin ang may boobs. Carry ang lahat ng klase ng dress. Itong si ____ (pangalan ng magandang young actress), flat na flat talaga ang harapan niya!

“Payat siya, sexy, pero kitang-kita na wala talaga siyang boobs! Parang dede lang ng bata ang meron siya!” madiin pang chika ng aming source.

Maraming nagsasabi na mas naniniwala ang magandang young actress sa natural, ayaw niyang magpasalamat po, doktor, tulad ng ibang mga artista.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Imperness, natural na natural ang ganda niya, sa totoo lang! And to think din na ang mga relatives niyang personalities, e, produkto ng siyensiya ang ganda!

“‘Yung isa ngang relative niya, e, para nang ibinabad sa formalin ang beauty, di ba? Sa sobrang pagpapaayos ng mukha ng girl, e, wala na yatang naiwanang natural sa kanya!

“Ibang-iba na ang itsura niya, mula face hanggang katawan kasi, e, sumailalim na sa pagpapabago ang tita niya! ‘Yung isang relative din niya, e, ganu’n din ang beauty!

“Nagpadagdag ng boobs, nagpa-lipo, nagpagawa rin ng mga mata! Mabuti na lang at hindi siya ganu’n! Marami namang puwedeng gamiting pampalaki ng boobs d’yan!

“Hindi na niya kailangan pang magpalaki ng boobs, maganda na siya nang ganyan, tutal naman, e, maganda siya! Sa ganyan ngang wala siyang boobs, e, may mga male personalities pa ring may gusto sa kanya!

“Nagiging controversial pa nga siya, di ba? E, di lalo na kapag nagpalaki siya ng boobsie niya!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, may hahampas sa inyo ng bareta ng sabon kapag hindi n’yo nahulaan kung sino siya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending