Tito Sotto hindi iiwan si Mr. T, nakikipagdiskusyon pa nga ba sa bagong chairman ng TAPE Inc. para sa 'Eat Bulaga'? | Bandera

Tito Sotto hindi iiwan si Mr. T, nakikipagdiskusyon pa nga ba sa bagong chairman ng TAPE Inc. para sa ‘Eat Bulaga’?

Reggee Bonoan - March 03, 2023 - 09:40 PM

Tito Sotto hindi iiwan si Mr. T, nakikipagdiskusyon pa nga ba sa bagong chairman ng TAPE Inc. para sa 'Eat Bulaga'?
FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA ngayong araw na si dating 1st District Representative ng Zamboanga del Norte Romeo Jalosjos, Jr na ang chairman ng Television and Production Exponents Inc o TAPE o na namamahala ng noontime show na “Eat Bulaga”.

Base ito sa post ni Ginoong Baste Brizuela, konsehal ng Lucena City, Quezon Province na kaanak ni Ginoong Jalosjos ang mga larawan nilang dalawa sa opisina ng huli.

Ang caption ni konsehal Brizuela, “Courtesy call with my big brother, cousin and the new Chairman of TAPE Inc. The production group of Tito Vic and Joey EAT BULAGA – Congressman Romeo “KUYA JON” Jalosjos, Jr.”

May post namang larawan sa Instagram account si Tito Sotto na may username na @helenstito  kung saan nag-uusap sila ni Ginoong Tony Tuviera na ang caption ay, “Tito and Tony last night! Who says we’re splitting?”

Sa madaling salita ay may diskusyon pang nagaganap sa pagitan nina Mr. T. at bagong chairman ng TAPE, Inc dahil na rin sa caption nito.

O, baka naman ang ibig sabihin ay himdi iiwan ng main hosts ng “Eat Bulaga” na sina Tito, Vic Sotto at Joey De Leon si Mr. Tuviera.

Anyway, habang sinusulat namin ang balitang ito ay nakarating sa amin na pinag-mass resignation ang mga taga-production ng “Eat Bulaga” at mamimili na lang ang bagong management kung sino ang kukunin sa pagbabago ng nasabing noontime show.

Naka-disable sa publiko ang comments section ng IG account na @helenstito kaya wala kaming nabasang reaksyon tungkol sa post na ito.

Ang mga nabasa naming komento ng netizens mula sa isang showbiz website ay ang mga sumusunod.

“Dapat huwag na gamitin ang titulong Eat Bulaga kung sakaling palitan ang mga original host dahil nakatatak na yan sa TVJ.”

May sumagot na, “Agree. Eat Bulaga is TVJ, and vice versa.”

Sabi rin ng isa pang nakiki-marites, “Good. As much as corny na minsin ang EB. I can’t imagine TV without. Bahagi na ng kulturang pinoy ang Eat Bulaga. Whatever rebranding it is, wag na nila galawin yung mga old school hosts and producers.”

“True. I havent watched Eat Bulaga for decades now but i hope they still stay and maayos ang prob.”

“Eat Bulaga stood the test of time. I agree with rebranding such as new format, new pakulo but should retain those original members who are considered pillars. Yes, agree they are corny but they are roots and not just flowers on the show.”

“I’m 50 and I grew up watching EB. I still like watching though not on a daily basis. My 14 yr old kid surprisingly like EB more than ST. Guess EB is one show that transcends across generations.”

Iba naman ang pananaw ng isang netizen, “So after ng dayaan publicity sa Pinoy Henyo para mag ingay ang natutulog na EB. Splitting nman now pra un mga audience bumalik s napakaboring n show s tanghali”.

 

Related Chika:
‘Eat Bulaga’ may pinagdadaanang problema, sey ni Cristy Fermin: ‘Merong isang ehekutibo na gustong tanggalin’

‘Eat Bulaga’ sa GMA 7 pa rin mapapanood; ‘Tito, Vic & Joey’ 50 years na ngayong 2022

Vico Sotto feeling sentimental sa reunion nina ‘Tito, Vic & Joey kasama pati si Coney’, may promise sa ‘Eat Bulaga’ family

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Antonio Tuviera may problema nga ba sa TAPE Inc., aalis sa ‘Eat Bulaga’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending