Sudipen ‘three-peat’ sa Mutia ti La Union pageant | Bandera

Sudipen ‘three-peat’ sa Mutia ti La Union pageant

Armin P. Adina - March 03, 2023 - 12:27 PM

Sudipen ‘three-peat’ sa Mutia ti La Union pageant

CITY OF SAN FERNANDO, La Union—Dinaig ni Kristine Billy Mateo Tabaday ang 19 iba pang kandidata upang masungkit ang titulo bilang Mutia ti La Union at maibigay sa bayan ng Sudipen ang ikatlong sunod na panalo nito sa patimpalak na panlalawigan.

Sa pagtatapos ng patimpalak na itinanghal sa Poro Point Baywalk sa lungsod na ito noong Marso 2, Araw ng La Union, tinanggap ni Tabaday ang korona mula sa kabayang si Divina Marie Villanueva, na hinirang bilang Mutia ti La Union sa nagdaang pagdaraos ng patimpalak noong 2020, ilang araw bago isinailalim sa lockdown ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic. Si Ann Margaret Sanglay ang nagsimula ng “three-peat” para sa bayan noong 2019.

Hinirang ding “People’s Choice” si Tabaday, at tinanggap ang parangal na Mutia Beautiful Skin. Ginawaran siya ng gantimpalang P150,000 para sa pagsungkit sa pinakamahalagang korona.

Tumanggap naman ng P100,000 si Mutia ti La Union Agri-Kultura Anjali Kumar mula Bauang. Inuwi rin niya ang pinakamaraming special awards—Miss Beautederm, Miss Nisce Skin, Mutia Fashion Model, Best in Swimwear, at Best in Evening Gown.

Nasungkit ni Patricia Nicole Bangug mula Agoo ang korona bilang Mutia ti La Union Kalikasan, na may gantimpalang P75,000. Siya rin ang Best in Environmental Advocacy Campaign at Best in Environmental Awareness Activities.

Tumanggap ng P50,000 si first runner-up Zyra Mae Carbonell mula San Juan, na hinirang din bilang Miss Colourette. Nag-uwi naman ng P30,000 si second runner-up Strebel Joy Bugnay mula Bacnotan, na tinanggap ang parangal para sa Most Viewed Environmental Advocacy Campaign.

Ginulat ni first-term Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David ang mga manonood nang makibahagi siya sa opening production number. “I only rehearsed it for one hour,” anang unang babaeng naluklok sa puwesto at pinakabatang nahalal sa posisyon sa gulang na 25 taon.

“We are finally back to celebrating and doing festivities face-to-face. I know you all missed this. We were able to achieve this because of your discipline and cooperation,” sinabi ng Gen-Z na lingkod-bayan sa welcoming remarks niya.

Sinabi pa ni Ortega-David na may “purpose and mission” ang patimpalak ngayong 2023, itinanghal tatlong taon mula sa huling edisyon. Isinulong sa kumpetisyon ang halaga ng pangangalaga sa kalikasan at ng sustainability, at itinampok ang mga kampanya ng 20 kandidata. “We need to restore our planet,” anang gobernadora.

Nagningning naman ang gabi dahil sa mga sikat na bisita. Pinangunahan ni reigning Miss Universe Philippines Celeste Cortesi ang judging panel, habang pinakilig naman ni Kapuso heartthrob David Licauco ang mga manonood at mga kandidata.

Nag-host ang Kapamilya host na si Robi Domingo at 2020 Miss Grand International first runner-up Samantha Bernardo, habang on-ground anchor si 2014 Binibining Pilipinas Universe Mary Jean Lastimosa.

Related Chika:
Dating biktima ng pambu-bully reynang-reyna na ngayon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miss Grand PH pageant tumatanggap na ng mga aplikante para sa finals sa Marso

2023 Mrs. Universe pageant itatanghal sa Pilipinas

Beteranang beauties sasabak sa unang Miss Rotary pageant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending