Dating biktima ng pambu-bully reynang-reyna na ngayon  | Bandera

Dating biktima ng pambu-bully reynang-reyna na ngayon 

Armin P. Adina - April 22, 2021 - 04:37 PM

BeingShe Universe grand winner Lorevie Rexie Lianko Carrascal. CONTRIBUTED PHOTO

DINAIG ng Filipinang si Lorevie Rexie Lianko Carrascal ang mga kalaban mula sa iba’t ibang bansa matapos masungkit ang pangunahing titulo sa BeingShe Universe pageant na idinaos sa Dubai noong Nobyembre, 2020. Nilunsad ang patimpalak para sa mga babae, dalaga man o may asawa, mula sa iba’t ibang bansa na nakatira sa United Arab Emirates (UAE).

“The platform of BeingShe Universe opens a lot of opportunities not just for me, but for all the people I inspire whenever they hear my story,” sinabi ni Carrascal sa Inquirer sa isang online interview.

“I always represent my crown as a responsibility to do something good, to always inspire other people that there is no age limit in reaching for a certain goal in life. Having a strong faith and also determination is one of my advice to everyone,” patuloy ng 29-taong-gulang na human resources officer.

Sinabi ni Carrascal na umaasa siyang magagamit din niya ang korona niya upang matulungan ang mga kababayan sa UAE na maipamalas ang talento upang makapagbigay ng karangalan sa Pilipinas.

“BeingShe, together with its founder Aparna Bajpai, are always there to support and create something different that will help the women of our society realize their full potential in life,” paliwanag ni Carrascal.

Malayo na nga ang narating niya mula nang maging tampulan ng tukso sa Malinao sa Albay dahil sa kanyang timbang at itsura.

Dati, tinatanggihan pa siya ng mga beautician sa salon, sinasabing mahirap siyang pagandahin. Ngayon, meron na siyang nagniningning na koronang sagisag ng “power, responsibility, dreams, and confidence.”

Subsob noon sa pag-aaral si Carrascal, na nagtapos na valedictorian. Kaya kahit patok ang mga beauty contest sa Bicol, malayo ito sa interes niya.

Dalawang pagkakataon lang siyang sumali sa pageant, at ginawa lang niya ito upang makaiwas sa pagkuha ng mabibigat na pagsusulit sa paaralan. Pinalad naman siyang maging first runner-up dahil sa husay niya sa pagsagot.

Ang talino rin niya ang nagdala sa kanya sa Texas sa Estados Unidos bilang exchange student, at nakakuha ng digri sa turismo. Umuwi naman siya sa Pilipinas at nagtrabaho sa Bicol at sa Metro Manila, bago nakipagsapalaran sa ibayong-dagat.

Habang nasa UAE, sinulong niya ang pagmamahal at pagpapaunlad sa sarili sa YouTube channel niya. Ito rin ang dahilan kung bakit naisipan niyang sumali sa BeingShe Universe pageant na nagtutulak ng women empowerment.

“I am a woman of substance and I don’t focus on having a perfect body shape to feel beautiful and be part of a beauty pageant. I want the world to see that as a woman, what’s important is that you are capable of sharing,” ani Carrascal.

Nagsilbing inspirasyon para sa kanya ang pamilya at mga kababayan sa Albay, na naging matatag sa pagbayo ng Superbagyong “Rolly” bago sumapit ang coronation night.

“Seeing their post made me feel so determined to win the title,” ani Carrascal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I always use my crown as a reminder that it is never too late to do something extraordinary even in the most challenging of times,” pagpapatuloy pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending