Miss Grand PH pageant tumatanggap na ng mga aplikante para sa finals sa Marso | Bandera

Miss Grand PH pageant tumatanggap na ng mga aplikante para sa finals sa Marso

Armin P. Adina - November 25, 2022 - 05:52 PM

Miss Grand PH pageant tumatanggap na ng mga aplikante para sa finals sa Marso

Kasama ni Arnold Vegafria (ikalima mula kaliwa) sina Miss Grand International President Nawat Itsaragrisil (ikaanim mula kanan), Vice President Teresa Chaivisut (ikaanim mula kaliwa), at ang reigning queens ng pandaigidigang patimpalak./ARMIN P. ADINA

ISA na namang national pageant ang nilunsad, ngayon naman upang piliin ang kinatawan ng bansa para sa isang pandaigdigang patimpalak na binuo sa Thailand, at ilan na rin ang humawak ng prangkisa para sa Pilipinas.

Nilunsad ang pangalawang Miss Grand Philippines pageant sa isang event sa Hilton Manila sa Pasay City noong Nob. 24, na hindi lang isa, kundi siyam ang international queens na dumalo, sa pangunguna ni reigning Miss Grand International Isabella Menin mula Brazil.

Kasama niya sina Miss Grand International President Nawat Itsaragrisil at Vice President Teresa Chaivisut. Dumalo rin sina second runner-up Andina Julie mula Indonesia, third runner-up Luiseth Materan mula Venezuela, at fourth runner-up Mariana Beckova mula Czech Republic.

Kasama rin ang limang fifth runners-up, sina Roberta Tamondong mula sa Pilipinas, Pich Votey Saravody mula Cambodia, Priscilla Londoño mula Colombia, Oxana Rivera mula Puerto Rico, at Hirisley Jimenez mula Spain.

Sinalubong sila ni Arnold Vegafria, pinuno ng ALV Pageant Circle na nakakuha sa prangkisa ng Miss Grand International pageant para sa Pilipinas. Hawak rin niya ang mga lisensya ng Pilipinas para sa mga pandaigdigang patimpalak na Miss World, Miss Supranational, Miss Eco International, Reina Hispanoamericana, at Miss Eco Teen International.

“This has long been a big dream for me, to forge a meaningful alliance with one of the most prestigious pageants in the world. I will do my best to make our relationship flourish, and to support each other’s charities and advocacies,” sinabi niya sa kaniyang talumpati.

Nang tanungin ng Inquirer, sinabi ni Vegafria na tumatanggap na ng mga aplikante ang Miss Grand Philippines pageant para sa patimpalak sa susunod na taon, at itatanghal ito sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Marso.

Hinawakan ng yumaong pageant mentor na si John Dela Vaga ang unang prangkisa ng Miss Grand International pageant sa Pilipinas, at pinadala niya si Binibining Pilipinas runner-up Ali Forbes sa patimpalak noong 2013, kung saan hinirang na third runner-up ang alaga niya. Noong 2014, itinanghal niya ang unang Miss Grand Philippines pageant na pumili sa kinatawan ng bansa sa ikalawang edisyon ng pandaigdigang patimpalak.

Noong 2015, nakuha ng Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI) ang lisensya at ipinadala si 2014 Bb. Pilipinas Tourism Parul Shah na naging third runner-up sa international contest. Ipinadala rin ng Bb. Pilipinas sina first runner-up Samantha Bernardo at Nicole Cordoves, at second runner-up Elizabeth Clenci.

Si Tamondong na ang huling reyna ng Bb. Pilipinas na ipinadala sa Miss Grand International pageant. Nauna siyang nagtapos sa Top 20, ngunit iginawad sa kanya ang isang puwesto bilang fifth runner-up nang nagbitiw si Yuvna Rinishta mula Mauritius.

 

Related Chika:
Miss Eco 1st Runner-up Kelley Day nakauwi na sa Pinas; nega na sa COVID-19

Pinay 1st runner-up sa Miss Elite pageant

Hugot ni Herlene Budol sa pagsali sa Bb. Pilipinas: Hindi porke’t galing ka sa ilalim hindi ka na makakabangon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantha Bernardo ‘simply grand’ sa Miss Grand International

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending