Pinay 1st runner-up sa Miss Elite pageant | Bandera

Pinay 1st runner-up sa Miss Elite pageant

Armin P. Adina - June 11, 2022 - 12:04 PM

Pinay 1st runner-up sa Miss Elite pageant

Miss Elite first runner-up Shanon Tampon/ARMIN P. ADINA

HINIRANG na first runner-up ang pambato ng Pilipinas na si Shanon Tampon sa 2022 Miss Elite pageant na idinaos sa Soma Bay, Egypt, noong Hunyo 10 (Hunyo 11 sa Maynila).

Iginawad din sa 25-taong-gulang na negosyante at mag-aaral ng mechanical engineering ang titulong Miss Elite Asia at parangal na Best in Evening Gown.

Nasungkit ni Deep Supriyam ng India ang inaasam na korona mula kay Fernanda Pumar, ang Mexicanang hinirang bilang unang Miss Elite.

Pasok din sa Top 5 sina second runner-up Valeria Sizova ng Australia, third runner-up Yanuaria Verde ng Venezuela, at fourth runner-up Caterina Mariana Bernal ng Australia.

Tatlumpu’t pitong kandidata ang nagtagisan sa ikalawang edisyong ng pandaigdigang patimpalak.

Nagiging mapalad ang mga Pilipinang sumasali sa mga paligsahang pangkagandahang idinadaos sa Egypt.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miss Elite ® (@misseliteworld)

 

Kinoronahang Miss Intercontinental si Cinderella Faye Obeñita noong nagdaang taon, habang hinirang namang Miss Eco International si Kathleen Paton sa kaagahan ng kasalukuyang taon. Nagwagi namang Miss Eco Teen International si Roberta Ann Tamondong noong 2020.

Pumangalawa naman ang ilang mga Pilipina sa kani-kanilang pagsabak sa Egypt. Miss Eco International first runner-up sina Maureen Montagne at Kelley Day, at Miss Eco Teen International first runner-up si Tatyana Austria.

Beterana na ng Mutya ng Pilipinas, Miss Philippines Earth, at Binibining Pilipinas si Tampon, na hinirang bilang 2019 Miss Caloocan. Pinadala siya sa Miss Elite ng health and wellness company na ProMedia, na humuhubog at nagsasanay sa ilang mga kandidata sa mga pambansa at pandaigdigang patimpalak, na binansagang “beauty athletes.”

Isang beauty athlete rin ng naturang kumpanya ang kakokoronang Miss World Philippines na si Gwendolyne Fourniol.

Related Chika:
Samantha Bernardo ‘simply grand’ sa Miss Grand International

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miss Eco 1st Runner-up Kelley Day nakauwi na sa Pinas; nega na sa COVID-19

Jay-R, Jake Zyrus pinakilig ang mga Fil-Am; nangharana sa Miss Philippines USA 2021

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending