Jay-R, Jake Zyrus pinakilig ang mga Fil-Am; nangharana sa Miss Philippines USA 2021 | Bandera

Jay-R, Jake Zyrus pinakilig ang mga Fil-Am; nangharana sa Miss Philippines USA 2021

Armin P. Adina - December 08, 2021 - 07:18 PM

Jay-R

Hinaharana ni ‘R&B Prince’ Jay-R ang mga kandidata ng Miss Philippines USA. | CONTRIBUTED PHOTO

NAGDAGDAG sa ningning ng idinaos na 2021 Miss Philippines USA pageant ang mga Filipino singers na sina Jake Zyrus at R&B Prince Jay-R.
Sila ang nangharana sa 28 kandidatang rumampa sa ika-10 edisyon ng nasabing beauty contest na ginanap sa City National Grove of Anaheim sa California nitong nagdaang Nob. 21.

Ang taunang Miss Philippines USA ang pinakamatagal nang Filipino-American beauty pageant sa Estados Unidos.

Sa pagtatapos ng grand coronation, nagwagi sa adult division ang 23-taong-gulang na si Cheska Angeles mula Tracy, California, na siyang nakasungkit ng korona bilang Miss Philippines USA.

Nanalo naman sa teen division ang 17-taong-gulang na si Ysabella Sapienza mula East Brunswick, New Jersey, at inuwi ang titulong Miss Young Philippines. Kapwa sila isinilang sa Pilipinas.

Miss PH and Miss USA

Miss Philippines USA Cheska Angeles (kaliwa) at Miss Young Philippines Ysabella Sapienza | CONTRIBUTED PHOTO

Tubong-Legazpi City sa Albay si Sapienza, at lumipat sa US bago pa man tumuntong ng edad 3. Sinabi niyang mahilig siya sa soccer, taekwondo, ballet, hip-hop, baton, at swimming.

“My greatest achievement in school would be being a part of the varsity volleyball [team] starting in freshman year,” pahayag ng teenager.

Isinilang naman si Angeles sa Olongapo City noong 1998. Kasalukuyan siyang kumukuha ng nursing, habang nagtratrabaho bilang isang medical aesthetic treatment specialist at online automotive dealer.

“As a working student, I thrive on challenges, and I pride myself on being efficient, dependable, and a hard worker,” pagbabahagi niya.

Sinabi ng mga organizer na “the new queens will be active in charitable and community projects. They will be visiting their hometown in the Philippines to promote their advocacy.”

Jake Zyrus

Jake Zyrus | CONTRIBUTED PHOTO

Nagbabalik naman bilang mga host ang mga news correspondent na sina Tony Cabrera ng ABC7 at Cher Calvin ng KTLA TV. Maliban kina Jake Zyrus at Jay-R, umawit din ang Star Awards Male R&B Artist of the Year na si Garth Garcia, at mga international singer na sina Angel Bonilla at Michael Keith.

Dumalo rin ang Emmy award-winning producer ng “The Talk” na si Marc Anthony Nicolas, jeweler to the stars na si Ben Baller, at 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jake Zyrus: Kung akala ng iba joke lang ang pagiging transman ko, it’s not!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending