Miss Eco 1st Runner-up Kelley Day nakauwi na sa Pinas; nega na sa COVID-19
NAKAUWI na sa Pilipinas mula Egypt si Miss Eco International 1st Runner-up Kelley Day kahapon base sa kuwento niya sa kanyang Instagram post.
Matatandaang na-hold si Kelley sa airport ng Egypt kasama ang iba pang kandidata ng Miss Eco International nang magpositibo sa exit swab test.
Kuwento ni Kelley sa kanyang IG account nitong Lunes ng gabi, ligtas nga siyang nakauwi sa Pilipinas at nakatakdang sumailalim sa self-quarantine isa isang hotel bilang pagsunod sa health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.
“Hey, everyone. Good evening. It’s 10:30 pala. I just woke up from my nap but I want to give you all an update that I’m in Manila.
“I flew in this afternoon, arrived, and checked into my quarantine hotel where I’ll be staying for the next seven days.
“And just want to give you guys an update and I’m finally back home in Manila. I’m really happy to be back,” sabi ng beauty queen.
Pinasalamatan din ng dalaga ang lahat ng sumuporta sa kanya at nanalangin na maging maayos na ang kalagayan niya.
Aniya sa caption ng ipinost niyang video sa IG, “I’ve received so many well wishes, and I just want you all to know I arrived in Manila this afternoon.
“Thank you everyone all the lovely messages and prayers.
“And I can’t express enough gratitude to my closest friends and family who have been just a call (or calls) away – thank you,” mensahe pa ng Pinay beauty queen.
Marami naman ang nagpadala ng mensahe mula sa followers niya sa social media, nagpapasalamat sila na safe ba nakauwi ang ating Miss Eco International 1st Runner-up.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.