Neri naloka sa asawang si Chito: 'Mukhang maling desisyon pala yung niregaluhan ko siya ng pick up' | Bandera

Neri naloka sa asawang si Chito: ‘Mukhang maling desisyon pala yung niregaluhan ko siya ng pick up’

Therese Arceo - March 01, 2023 - 03:56 PM

Neri naloka sa asawang si Chito: 'Mukhang maling desisyon pala yung niregaluhan ko siya ng pick up'
NAWINDANG ang dating aktres at businesswoman na si Neri Miranda sa mga pinamili ng asawang si Chito para sa kanyang bagong pick-up truck.

Sa kanyang social media accounts ay ibinahagi niya ang ilang update patungkol sa kanyang naging birthday gift sa asawa.

“Mukhang maling desisyon pala yung niregaluhan ko sya ng pick up… maya’t maya ang daming “ina-upgrade”.. ngayon naman camper trailer,” pagbabahagi ni Neri.

Mukha ngang may bagong adventure ang pamilya Miranda dahil plano ni Chito na pumunta ng farm para mag-camping.

“Magse-set up na raw kami next time ng mga tent at sa farm daw kami matutulog. Magpi-feeling Boy Scout siya,” kuwento pa ni Neri.

Bukod pa rito ay full support ang wais na misis sa Parokya Ni Edgar frontman.

“Kung saan ka masaya, sige lang suportahan kita. Family and friends, bring your tent na,” sey pa ni Neri.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa kanilang followers at mga kaibigan ang naturang post ng asawa ni Chito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nerizza Miranda (@mrsnerimiranda)

Comment ni Moira dela Torre, “kuya patulog.”

“Nice trailer,” saad naman ni dating Sen. Kiko Pangilinan.

Reply ni Neri, “nakupo! Sabi niya, daan daw kami sa farm nyo at may papasilip daw po sa akin.. pinakita yung trailer then nagsundo kami ng mga bata sa school tapos pagbalik namin nahatid na sa amin. ang bilis ng pangyayare.”

Matatandaang last month lang nang surpresahin ng dating aktres si Chito ng matagal na nitong pangarap na pick-up truck bilang birthday gift.

Hindi pa nga makapaniwala si Chito sa regalo ni Neri dahil masyado raw itong mahal at iginiit pa na babayaran niya ang asawa pero hindi pumayag ito pumayag.

Aniya, talagang pinag-ipunan niya ang pinambili sa sasakyan dahil alam niyang kahit gaano kagusto ni Chito ay hindi ito bibili dahil mas priority nila ang mga kailangan nilang pamilya.

“Niregaluhan ako ni Neri ng bagong sasakyan. Alam nya kasi na gusto ko talaga magkaroon ng pick-up truck pero di ako bumibili kasi gusto ko unahin yung income generating investments,” pagbabahagi ni Chito.

Dagdag pa niya, “Kumbaga, oks lang ako magtiis sa lumang sasakayan at gamitin yung pera ko on things thay will make me more money, instead of buying myself a new car.”

Related Chika:
Chito Miranda super happy sa surpresang brand new pickup truck ng asawang si Neri Naig

Neri Miranda binili ang magsasarang salon sa Tagaytay para hindi mawalan ng trabaho ang mga empleyado

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chito tuwang-tuwa sa mga nahuli nilang isda ni Neri: Medyo feeling mo nilibre ka ni God

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending