Tambalang Joshua at Gabbi may John Lloyd-Bea 'feels', may dapat bang ikatakot si Khalil? | Bandera

Tambalang Joshua at Gabbi may John Lloyd-Bea ‘feels’, may dapat bang ikatakot si Khalil?

Reggee Bonoan - March 01, 2023 - 01:10 PM

Tambalang Joshua at Gabbi may John Lloyd-Bea 'feels', may dapat bang ikatakot si Khalil?

ANG suwerte naman nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia dahil na-experience nilang makapag-tour sa gawaan ng luxury brand shoes na Golden Goose sa Milan, Italy.

Doon sila nagsu-shoot ng kanilang Viu TV series na “Unbreak My Heart” kasama sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, ang joint collaboration ng ABS-CBN at GMA.

Sa Instagram account ni Joshua ay ipinost niya ang mga larawang sinusulatan niya ang isang kaliwang pares ng GG shoes na magsisilbing disenyo nito at larawan nilang dalawa ng leading lady niyang si Gabbi Garcia.

Ang caption ng Kapamilya actor, “Ang GG Experience (emoji shoes).”

Komento nga ni @architectjordan, “Garcia + Garcia.” Na ang ibig sabihin ay apelyido nang dalawang artistang sina Joshua at Gabbi.

Ang sabi tuloy ni “@itscyrillegarcia, “WHAT IF???” Na ang ibig sabihin naman ay baka magkaanak sina Joshua at Gabbi.

Kaagad namang sinagot ni @paulaup55, “@architectjordan lopez real apelyido ni Gabbi. Gabrielle Ortega Lopez.”

May babala naman si @marvz_lingaya, “@itscyrillegarcia wag wag masisira si babyboy haha may bf si girl.” Na ang tinutukoy ay si Khalil Ramos at limang taon na ang relasyon nila ni Gabbi na nagsimula noong 2017.

Anyway, marami kaming nabasang may chemistry ang dalawa at nakitaan pa silang another John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Paalala rin ni @voxierre, “I know this is part of your series promotion pero hinay hinay lang sana sa pag flex kay Gabbi haha nakakatakot knowing na marami kang possessive toxic fans. also may girl ka na rin naman.”

Ang sinasabing “girl” ni Joshua ay ang social media influencer at beauty queen na si Bella Racelis

Isa ring hindi nakapagpigil ng tanong ay si @jeanaiinah, “Bakit bagay kayo? Huhu.”

Namakyaw kaya sina Joshua at Gabbi ng GG shoes na mas mura ang presyo roon na pampasalubong sa kanilang mga minamahal sa buhay.

Anyway, mukhang malabong matuloy sa relasyon ang Garcia + Garcia dahil alam namin ay loyal si Gabbi kay Khalil at in fairness kay Joshua ay wala naman kaming alam na may record siyang mang-aagaw o nangangaliwa.

Sina Emmanuel Palo at Dolly Dulu ang direktor ng “Unbreak my Heart” na mapapanood sa Viu sa 15 territories.

* * *

Ihanda na ang mga rekados na kakailanganin para sa salu-salo dahil muling magbabalik ang pinaka-inaabangan na cooking show ni Pokwang sa BuKo Channel na Kusina ni Mamang.

Kakaiba ang bagong season ngayong taon dahil dadalhin nila ang kanilang mga viewers sa isang culinary journey kung saan tampok ang mga pagkaing hango sa authentic Filipino cuisine.

Kasama ang hosts na sina “Mamang” Pokwang at DJ Jhai Ho, mapapanood na ang “Kusina ni Mamang” ngayong Sabado, Marso 4, 8 p.m. sa BuKo Channel via Pay TV sa Cignal at SatLite Ch2, pati na rin sa Cignal Play Live TV at Video-On-Demand.

Sundan ang nakakatuwang chemistry nina Mamang Pokwang at DJ Jhai Ho habang tinutuklas ang mayamang kultura ng Pilipinas at sinusubukan ang mga kakaibang tradisyonal na pagluluto ng mga Pilipino.

“Natutuwa kami sa pagbabalik ng Kusina ni Mamang dahil napakarami pa kaming mas masasarap pa na lulutuin. At syempre, excited din kami sa mga special guests na makakasama naming magluto.

“Kakaiba din ang bagong segment namin na sasagutin namin ang requests ng mga letter senders, kaya talagang kaabang-abang ang mga bonggang ihahain namin para sa mga manonood,” pahayag ni Pokwang.

Related Chika:
Joshua Garcia pang-international ang dating, Nicki Minaj napa-comment sa kanyang TikTok video

Gabbi Garcia gustung-gusto ang ginagawa ni Khalil Ramos sa daliri niya kapag magka-holding hands, ano kaya yun?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gabbi ‘ghinost’ si Khalil noon para makipagbalikan sa ex-boyfriend

Payo ng tatay ni Gabbi Garcia sa pakikipagrelasyon: Huwag na huwag mong kalilimutan kung sino ka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending