Joshua Garcia pang-international ang dating, Nicki Minaj napa-comment sa kanyang TikTok video | Bandera

Joshua Garcia pang-international ang dating, Nicki Minaj napa-comment sa kanyang TikTok video

Therese Arceo |September 01,2022
facebook
share this

Joshua Garcia pang-international ang dating, Nicki Minaj napa-comment sa kanyang TikTok video

Therese Arceo - September 01, 2022 - 07:04 PM

Joshua Garcia pang-international ang dating, Nicki Minaj napa-comment sa kanyang TikTok video

KAKAIBA talaga ang karisma ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia dahil pati ang mga international artists ay nakukuha niya ang atensyon.

Nag-viral kasing muli ang bagong TikTok video ng aktor kung saan sinayaw niya ang remix ng kanta nina Nicki Minaj na “Super Freaky Girl” at “Luxurious” ni Gwen Stefani.

“Ito na pauwi na,” caption ni Joshua sa kanyang TikTok video.

Umabot na nga ng 21 million views ang naturang TikTok video ng binata. Mayroon na rin itong 3.7 million likes at mahigoy 67k comments.

Speaking of comments, isa nga sa mga nag-comment sa video ni Joshua ay ang international rapper, singer, at songwriter na si Nicki Minaj.

Isang emoji na smiling face with heart eyes ang komento ng naturang singer-songwriter.

@iam.joshuagarcia Ito na pauwi na 🙂 #fyp #foryoupage ♬ super freaky girl x luxurious – xxtristanxo

Kahit pa simple lang ang comment nito ay malaking bagay na rin ito dahil napansin ni Nicki ang kanyang TikTok video.

Agad namang ni-like ng aktor ang comment niya at naka-pin pa sa comment section.

Halo-halo naman ang naging reaksyon ng netizens sa naging komento ni Nicki Minaj.

“Umabot na kay mareng Nicki kaguwapuhan mo Joshua,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Nagko-comment po talaga siya sa mga gumagamit ng sound lalo na pag viral hshshshs.”

“Nagko-comment siya kasi crush niya si Lodi Joshua,” sey pa ng isa.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na mapansin ng mga international personalities ang mga videos ni Joshua.

Matatandaang kamakailan lang nang mapansin ng Filipino-American singer na si Bella Poarch.

Sa katunayan, kamakailan lang nang aminin ni Bella na nakaka-chat niya si Joshua at ilang beses na rin nilang sinubukang magkita ngunit hindi ito natutuloy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila

Joshua Garcia sa posibilidad na maging crush si Bella Poarch: Why not?

John Arcilla nag-ala Joshua Garcia, netizens aliw na aliw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending