Xian Gaza pinatunayang milyun-milyon na ang kinita ni Ogie Diaz sa real estate; Liza pumirma noon ng kontrata sa GMA? | Bandera

Xian Gaza pinatunayang milyun-milyon na ang kinita ni Ogie Diaz sa real estate; Liza pumirma noon ng kontrata sa GMA?

Reggee Bonoan |March 01,2023
facebook
share this

Xian Gaza pinatunayang milyun-milyon na ang kinita ni Ogie Diaz sa real estate; Liza pumirma noon ng kontrata sa GMA?

Reggee Bonoan - March 01, 2023 - 08:41 AM

Xian Gaza pinatunayang milyun-milyon na ang kinita ni Ogie Diaz sa real estate; Liza pumirma noon ng kontrata sa GMA?

Xian Gaza, Ogie Diaz at Liza Soberano

MATAGAL nang kakilala ng tinaguriang Pambansang Marites na si Xian Gaza ang content creator-talent manager at host na si Ogie Diaz pati na ang dati nitong alaga na si Liza Soberano.

Kaya nagkuwento si Xian kung ano ang pagkakakilala niya sa dalawang personalidad na talk of the town ngayon.

Post ni Xian sa kanyang Facebook page nitong Martes, “Doon sa mga bashers na nagsasabing ginatasan daw ni Ogie Diaz si Liza Soberano for 10 years kaya siya mayaman ngayon, gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat na hindi lang siya basta artista at talent manager.

“Isa rin siyang real estate investor. Alam niya kung ano ‘yung mga properties na biglang lilipad ang value after a few years. Kaming dalawa ni Liza ay nakinabang sa expertise niyang ito,” pagsisimula mg social media personality.

Patuloy ni Xian, “Makalipas ang ilang taong pagpapaikot ng pera sa real estate eh kumita na siya ng milyun-milyon at nakapagpundar ng maraming ari-arian kaya huwag na huwag niyong sasabihin na si Liza lang ang kanyang source of income. Malaki ang kinita niya sa bata, the same way na malaki rin ang kinita ng bata sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)


“Hindi naman lilipad ‘yung career ni Liza kung hindi siya sinulot ni Ogie mula sa GMA Artist Center at ipinasok sa Star Magic.

“Hindi niyo alam ‘yun ‘no? 9 days nang nakapirma si Soberano sa GMA, pina-cancel lang ni Diaz. From there eh, Liza’s life changed forever,” rebelasyon pa ni Xian Gaza.

Totoo ang kuwentong ito ni Gaza dahil na-witness din namin ang ilang bahay na binili at naibenta na ni Ogie, build and sell ang isa sa negosyo niya. Hindi na namin iisa-isahin kung saan nakatirik ang mga ito at lahat ay prime lot.

May mga condo units din siya na kinailangan din niyang i-dispose dahil nagpapagawa siya ng bahay nila sa Tagaytay na nakita na rin namin. Ikinuwento naman lahat ng ex-manager ni Liza kung paano niya nabili lahat ng iyon.

May mga lupa rin siya sa magandang subdibisyon sa Antipolo na ilang hakbang lang ay lupa naman ni Xian Gaza at overlooking sa buong lugar.

Kaya nga laging biro ni Ogie sa mga anak niyang babae kapag nagloko s pag-aaral, “Tatanggalan kita ng mana.”

Marami ring natutulungan si Ogie pero hindi niya ipinagkakaingay, aksidente lang naming nalalaman mula sa mga kasamahan namin sa trabaho at iba pa.

Tinanong nga namin ang ex-manager ni Liza kung hindi ba siya sasagot sa mga bumabatikos sa kanya, “Sa rami ng trabaho ko, may oras pa ba ako? Hayaan mo sila kung saan sila maligaya basta ako malinis ang konsensiya ko.”

Maggie Wilson, Victor Consunji muling nagkasama para sa kaarawan ng anak

Ama ni Britney Spears, bibitaw na bilang conservator ng $60 million estate ng anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Museum ni Dolphy, resort-hotel ni Zsa Zsa, Quizon family itatayo sa Batangas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending