Museum ni Dolphy, resort-hotel ni Zsa Zsa, Quizon family itatayo sa Batangas
PUWEDE nang bumili ng lupa sa Dolphyville Estates na matatagpuan sa Barangay Talisay Calatagan, Batangas.
Sa YouTube channel ni Zsa Zsa Padilla kasama ang anak na si Zia at ang aktor na si Epy Quizon, isa sa mga anak ni Mang Dolphy ay ipinakita nila ang kabuuan ng Dolphyville na ayon sa Divine Diva ay binili ito noong magkarelasyon sila.
Kuwento ni Zsa Zsa, “Nandito tayo ngayon sa Dolphyville sa Calatagan. Ang Dolphyville nabili ito ng dad mo (kausap si Epy) parang in between (biniro ni Epy na reminiscing si Zsa Zsa) parang 8 to 10 years in our relationship.
“Tapos naalala ko ‘yung amount kasi sobrang layo na kung ano ‘yung worth niya ngayon. Nandito tayo ngayon sa site kung saan itatayo ‘yung kanyang museum,” sabi ng singer.
Sundot naman ni Epy, “We will call it the Dolphyville Manor. The whole estate is about 14 hectares. This used to be the Quizon’s family Mango farm and then they converted into residential property.”
Ang Dolphyville Manor ay resort type hotel na gagawing mala-museum kung saan makikita ang lahat ng gamit na isinuot ni Mang Dolphy simula nu’ng nakilala siya sa showbiz.
“It’s a residential complex also eventually, hopefully na kukuha rin kami ng residential (lot). And will have like parang Sunday market, that’s the dream (pamilya),” sabi ni Epy.
At base sa kuha ng drone ay ipinakitang 90% tapos na ang kalye sa 14 hectares lot ng Dolphyville at ipinaalam din nila kung paano makakabili ng lote rito.
Sa malaking bahagi ng lote kung saan inilibot nina Zsa Zsa, Zia at Epy ang viewers ng YT channel ng Divine Diva ay pag-aari raw iyon ng Quizon’s family.
“Dito itatayo ang Tuscany inspired homes,” sabi ng aktor.
“Natatawa ako kasi pinag-uusapan namin ang mga pangalan ng kalye rito. Ano nga ang magiging pangalan?” tanong ng mang-aawit kay Epy.
“Ipapangalan ba namin sa mga anak? Sabi namin baka kulangin ang mga kalye di ba (tawanan ang tatlo)? Ang gusto naming magkakapatid mga characters ni daddy (sa pelikula at TV show), like may Quizon Avenue, John Boulevard, Puruntong Street, Omeng Way, but of course the main road is we want the name of daddy, Dolphy Street.
“Kaya sa mga gustong bumili tawagan lang po itong number (naka-flash sa screen) para magkakapitbahay tayo.
“What about this place, of course kung gusto ninyong mag-retire perfect kasi ang sarap ng simoy ng hangin,” paglalarawan ni Epy.
Say naman ni Zsa Zsa, “And we’re selling small lots here.”
Nabanggit din ni Epy na may sariling kuwarto sina Zsa Zsa at Conrad Onglao sa Dolphyville Manor.
“Hayan meron kaming mag-asawa, walang selosan,” birong sabi ng singer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.