Xian Gaza sa Liza-Ogie issue: Ang nakikita lang nila ay 'yung 10-20% mo bilang manager | Bandera

Xian Gaza sa Liza-Ogie issue: Ang nakikita lang nila ay ‘yung 10-20% mo bilang manager

Therese Arceo |February 28,2023
facebook
share this

Xian Gaza sa Liza-Ogie issue: Ang nakikita lang nila ay ‘yung 10-20% mo bilang manager

Therese Arceo - February 28, 2023 - 09:58 PM

Xian Gaza sa Liza-Ogie issue: Ang nakikita lang nila ay 'yung 10-20% mo bilang manager
NAGBIGAY ng suporta ang “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza ang talent manager na si Ogie Diaz.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya ang kanyang mensahe sa kaibigang nasasangkot ngayon sa kontrobersya matapos ang “This Is Me” vlog ng dating alagang si Liza Soberano.

Panimula ni Xian, nagkaroon raw siya ng pagkakataon na maka-bonding si Liza noong January 2017 sa bahay ni Ogie. After pa nga raw ng party ay pinag-drive niya ang pamilya ng dalaga pa-airport dahil pupunta ito sa Japan.

Aniya, gusto lang daw niyang magkuwento bago pa tuluyang magkagulo at magkaaway ang dalawang partido.

Pagkukwento pa ni Xian, hindi raw kasi nakikita ng mga tao ang buong pangyayari kaya puro pamba-bash lang ang ginagawa ng mga ito kay Ogie Diaz na baka raw nanghihinayang sa perang kikitain pa sana niya kay Liza kung hindi ito umalis sa kanyang pangangalaga.

“Hindi kasi nila alam na wala ka ng kinita kay Liza sa huling dalawang taon ng inyong kontrata. Hindi kasi nila alam na tinuruan mo siyang mag-invest sa mga lupa lupa kaya nag-x3 (times 3) yung kinita niya sa pag-aartista. Ang nakikita lang nila ay yung 10-20% commission mo bilang manager,” lahad ni Xian.

Dagdag pa niya, “Hindi nila nakikita yung mga naitulong mo sa bata bilang ikalawa niyang ama. Hindi nila alam na sobra ka lang nag-aalala dahil yung tinake niyang risk ay hindi kalkulado at maaaring ikamatay ng kanyang karera.”

Sa kabila ng isyu sa pagitan nilang dalawa ay hiling ni Xian na hindi masira ang mahigit isang dekadang pagkakaibigan at pinagsamahan nina Liza at Ogie.

Mensahe pa niya kay Liza, “Kung makarating man sayo ang post na ito, gusto ko lang sabihin na I miss you and I’m rooting for you sa bagong landas na tinatahak mo. Nawa’y magtagumpay ka sa Hollywood. I hope to see you soon again.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

Related Chika:
Xian Gaza sa mga magulang ngayong Pasko: Turuan natin ‘yung mga bata na maging grateful

Ogie Diaz kay Xian Gaza: Tigilan mo na ang pagiging Marites!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza umalma sa balitang isa siyang ‘klepto’: That’s not me, 100% fake news

‘Toni Talks’ binatikos ni Xian Gaza: Cheap na ‘yung content ni Toni Gonzaga, wala nang class

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending