Male pageant candidate viral na dahil sa sagot sa Q&A: 'Yung tama po ay palaging mga babae ta’s ang mali po ay laging mga lalaki' | Bandera

Male pageant candidate viral na dahil sa sagot sa Q&A: ‘Yung tama po ay palaging mga babae ta’s ang mali po ay laging mga lalaki’

Ervin Santiago - February 26, 2023 - 08:02 AM

Male pageant candidate viral na dahil sa sagot sa Q&A: 'Yung tama po ay palaging mga babae ta’s ang mali po ay laging mga lalaki'

Ang male candidate sa isang pageant na viral na ngayon

VIRAL at trending ang isang male pageant contestant dahil sa nakakalokang sagot niya sa final question and answer round.

Tawa rin kami nang tawa nang mapanood namin ang kanyang video na pinagpasa-pasahan na nga sa Facebook at naghahatid ngayon ng good vibes at laugh trip sa mga netizens.

In-upload ng FB user na si Lorenzo Benetiz ang halos mahigit isang  minutong video na milyun-milyon na nga ang nakapanood at nakakuha na rin ng libu-libong comments at likes.

Ayon sa lalaki, dalawang beses na siyang sumali sa male pageant at iyon daw ang unang beses na nakapasok siya sa final round.

Ang tanong ng host sa naturang kandidata na ipinakilala lamang bilang Lakan #9, “Kailan nagiging tama ang mali, at kailan nagiging mali ang tama?”


Punumpuno naman ng confidence ang pagsagot niya sa tanong, “Para sa akin po ang tama at mali ay magkasalungat.

“Yung tama po ay palaging mga babae ta’s ang mali po ay laging mga lalaki. ‘Yun lamang po!” ang dagdag pa niyang sagot na ikinahalakhak ng audience habang napanganga naman ang host.

Bumuhos naman ang mga paandar at nakakaaliw na comments ng mga netizens sa nasabing viral video, na karamihan ay mga kababaihan sabay tag sa kanilang mga dyowa.

“Ang galing sumagot, natumbok mo at dahil dyan may jacket ka.”

“Tama nga naman. Aminin lang natin na mali tayo boys
Tama na ang mga babae.”

“Dumating na ang ating taga pag ligtas!”

“Straight to the point champion na!”

“Nakakaiyak yung tapang ng sagot ni kuya. Mabuhay ka po.”

“Natahimik yung emcee. Kung di ‘to nanalo, ****** nyo po.. yun ang tamang sagot!”

“Kapag yan natalo babae judge hahaha!”

“Kailan nagiging tama ang mali at nagiging mali ang tama? Kapag ang babae naging tama(mali yun)
Kapag ang lalake naging mali(tama yun).”

Yan ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon ng mga netizens.

Bianca: Ang hirap maging magulang, nag-aalala ako sa mundo ng disinformation na kalalakihan nila

Seth kinampihan sina Andrea at Ricci, bumanat sa bashers: Please, magsitigil na kayo…dahil wala kayong alam

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Resbak ni Bea sa nagsabing ‘kulubot ka na’ para sa bago niyang project: Proud ako sa itsura ko at 34 years old!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending