Rabiya Mateo payag nang magpakasal kay Jeric Gonzales: 'Gusto ko na rin kasing maging nanay' | Bandera

Rabiya Mateo payag nang magpakasal kay Jeric Gonzales: ‘Gusto ko na rin kasing maging nanay’

Ervin Santiago |February 22,2023
facebook
share this

Rabiya Mateo payag nang magpakasal kay Jeric Gonzales: ‘Gusto ko na rin kasing maging nanay’

Ervin Santiago - February 22, 2023 - 06:27 AM

Rabiya Mateo payag nang magpakasal kay Jeric Gonzales: 'Gusto ko na rin kasing maging nanay'

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales

WALANG kagatul-gatol na “yes” ang isasagot ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo kung sakaling yayayain na siyang magpakasal ng kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales.

Diretsahang sinabi ng Kapuso actress at TV host na feeling niya ay ready na siyang magkaroon ng sariling pamilya dahil nabigyan na niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Nagpakatotoo si Rabiya sa mga naging sagot niya sa mga tanong ni ni Boy Abunda sa programa nito sa GMA 7 na “Fast Talk With Boy Abunda, kahapon, February 21.

Nang matanong nga ni Tito Boy sakaling makatanggap siya ng marriage proposal mula kay Jeric ay agad-agad na yes ang kanyang tugon.

“Kasi iba na rin ngayon. Siguro, during that time, I was just 23 (nang mag-propose ang dating boyfriend). And ngayon, Tito Boy, parang feeling ko na-fulfill ko na yung pangarap ko for my family.

“Nabilhan ko na ng bahay si Mama, nabigyan ko na sila ng… yung savings, nakapag-ipon na po ako.

“Siguro hindi agad-agad, pero siguro in two years, kasi gusto ko rin maging nanay na. I can see myself,” paliwanag ni Rabiya.

Dagdag pa niya, “Pero hindi lang naman kasi yun ang desisyon na ako yung gagawa. Kaming dalawa dapat ng partner ko.”

Matatandaang unang inalok ng kasal si Rabiya ng ex-boyfriend na si Neil Salvacion noong 23 years old siya at kapapanalo lamang bilang Miss Universe Philippines.

Hindi nag-yes si Rabiya dahil bukod sa bata pa raw siya noon ay marami pa siyang gustong marating sa buhay at matupad din ang mga pangarap niya para sa kanyang pamilya.

“I think this is the first time na sasabihin ko sa TV, but he (Neil) proposed to me and I was so young that time. I wasn’t ready. I have a lot of dreams for my family.

“And during that time, he was ready to settle na because, feeling niya, okay na siya sa buhay. Pero ako, I wanna aspire to be more.

“So, du’n kami nagkaroon ng conflict. Feeling ko rin, hindi ko na maibigay yung hundred percent sa relationship kasi maraming nangyayari. And yung engagement na yon, parang for me, it was a big step,” paliwanag ng dalaga.

Wala raw talagang konek ang pagkapanalo niya sa Miss Universe Philippines sa paghihiwalay nila ni Neil.

“Hindi naman kami agad naghiwalay. Parang during that time, galing din ako sa walang-wala.

“Tapos nakita ko, when I won Miss Universe Philippines, sabi ko ito na yung time ko para makapag-ipon. Para mabilhan ko yung nanay ko ng bahay. Para maipagpatuloy ko kung gusto pa ng kapatid ko na mag-aral.

“So, parang ako po yung breadwinner. And dahil wala akong dad, parang nasa akin ang lahat ng responsibilidad na yon. So, hindi ko pa kayang iwan yon para mag-asawa,” paliwanag pa niya.

Kahit naghiwalay na sina Rabiya at Neil ay nanatili pa rin silang magkaibigan pero dahil nagseselos daw si Jeric ay natigil nga ang kanilang komunikasyon.

“We are friends kasi mabait siyang tao. Mabait siya. Kaya mo naman maging kaibigan with your ex, e. Kaya! Without feelings. Ako kaya ko,” sabi ni Rabiya.

Hirit na tanong ni Boy, “What about Jeric, does he mind?”

“He does! Of course! So, parang ngayon, I have my limits na. Siyempre, iba na yung priority ko,” pag-amin ni Rabiya.

Bea Alonzo wala pang balak magpakasal at magbuntis: Kanya-kanya lang tayo ng timeline

Xian Lim payag bang magkaroon sila ni Kim Chiu ng prenup?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jeric nag-propose muna kay Rabiya bago nanligaw; love story nagsimula sa ‘Wish Ko Lang’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending