Bea Alonzo wala pang balak magpakasal at magbuntis: Kanya-kanya lang tayo ng timeline | Bandera

Bea Alonzo wala pang balak magpakasal at magbuntis: Kanya-kanya lang tayo ng timeline

Ervin Santiago |May 30,2022
facebook
share this

Bea Alonzo wala pang balak magpakasal at magbuntis: Kanya-kanya lang tayo ng timeline

Ervin Santiago - May 30, 2022 - 05:14 PM

Dominic Roque at Bea Alonzo

WALA pa sa plano ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang magpakasal, bumuo ng pamilya at magkaroon ng mga anak.

Ito ang ipinagdiinan ng girlfriend ng hunk actor-businessman na si Dominic Roque sa bago niyang YouTube vlog kung saan sinagot niya ang ilang tanong ng kanyang fans.

Nagbahagi si Bea ng ilang personal experience tungkol sa isyu ng pagpapakasal at inamin niyang madalas siyang nasasabihan na dapat na siyang magpakasal at magkaroon ng anak.

Sa bagong Q&A vlog ng aktres, may isang netizen ang nagtanong ng, “If at 36 you still don’t have a boyfriend, what will you do?”

Mabilis na tugon ni Bea, “Feeling ko hindi ka dapat ma-pressure sa society.”

Sey ng dalaga, marami na rin ang nagsabi sa kanya na dapat na siyang lumagay sa tahimik at habang bata pa ay magbuntis na siya para hindi siya mahirapang manganak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“Ang daming nagsasabi sa akin that I should get married, that I should have kids.

“Kasi lahat na rin ng mga high school friends ko they have their own families. Kahit showbiz friends ko most of them are getting married, having children,” aniya.

At kapag may nangungulit daw sa kanya na magpakasal at mag-baby na, “I would always say, kanya-kanya tayo ng timeline. Hindi porket lahat ng kaibigan mo nagpapakasal, nagse-settle down, gagawin mo na rin ‘yun.”

Diretso pang pag-amin ng dyowa ni Dominic, “At the moment, I have other priorities and that doesn’t make me less of a person if I don’t want to settle down yet.”

Ang advice naman ni Bea sa netizen na nagtanong kung ano ang gagawin niya kapag umabot na siya sa edad 36 at wala pa ring dyowa, be patient at hintayin lamang ang tamang tao para sa kanya.

“If at 36 you still don’t have a boyfriend, maybe it will come. Maybe in a few months, baka mamaya bukas dumating na siya. Dapat ang mga bagay na ‘yan ay hindi hinahanap. Dapat hinihintay mo lang dumating.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Be open to love, be open to meeting new people, maybe one day he will come. The right one will come,” payo pa ni Bea sa kanyang fan.

Michelle Madrigal payag pa ring magpakasal kahit nawasak ang unang kasal: Love is love!

Xian Lim payag bang magkaroon sila ni Kim Chiu ng prenup?

Kim Molina, Jerald Napoles ayaw pang magpakasal: Madaling magplano, mahirap panindigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending