Vice naiyak sa muling pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, 14 years na-challenge: 'Pero ang laki ng iginanda ko sa hirap na 'yun!' | Bandera

Vice naiyak sa muling pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, 14 years na-challenge: ‘Pero ang laki ng iginanda ko sa hirap na ‘yun!’

Ervin Santiago - February 19, 2023 - 08:06 AM

Vice naiyak sa muling pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, 14 years na-challenge: 'Pero ang laki ng iginanda ko sa hirap na 'yun!'

Vice Ganda

BAKIT nga ba biglang naiyak ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda nang muli siyang pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN kamakailan?

Sa episode ng “It’s Showtime” last Thursday, February 16, nag-explain ang TV host-comedian kung bakit super emotional habang nagaganap ang kanyang contract signing kasama ang mga top executives ng ABS-CBN.

Ayon sa komedyante, “Doon na ako naiyak, nu’ng sinabi kong 14 years, ang hirap nu’n, ah? Du’n tumulo na ‘yung luha ko kahapon.

“Pero totoo naman, jusko. Marami po kayong hindi alam na nangyayari sa programang ito na pinagsasalu-saluhan naming lahat,” pag-amin ni Vice Ganda.

Sey pa niya, sa kabila ng mga “ups and downs” ng kanilang noontime programa ay nananatili pa ring buo at solid hanggang ngayon ang “It’s Showtime” family.

“Kaya kung inaakala niyo na alam niyo na lahat, hindi po. Ang dami naming pinagdadaanan pero ang pinakamasaya, pinagdadaanan namin together, magkakakampi tayo, pinagdadaanan natin ‘yun as a family kaya mas tumitibay tayong lahat kapiling po ninyo,” litanya ng veteran TV host.

Dugtong pa niyang chika, “Ang sarap-sarap po. Ang sarap to look back and to look forward together. Maraming-maraming salamat po. Ang sarap sa pakiramdam.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Nitong nagdaang Miyerkules, February 15, nag-renew ng contract si Vice sa Kapamilya network at sa kanyang speech, abot-langit ang pasasalamat niya sa mga bossing ng ABS-CBN.

“Ang sarap pagdaanan nu’ng mga napagdaanan ko dito sa bahay ko. Masarap siya. Nakakatao. Nakakabuo. Nakakahina. Nakakalakas. Nakakatalino. Nakakaganda.

“Sobrang daming nangyari sa aking paglalakbay sa industriya dito sa ABS-CBN. Ang swerte-swerte ko lang na 2023 na nandidito pa rin ako at nakapostura at pumipirma ng kontrata,” sabi pa niya.

Dagdag pang hugot ng komedyante, “Ang hirap nu’ng 14 years na ‘yun. Sobrang hirap. Pero gusto ko ‘yun. Ipinagpapasalamat ko ‘yung hirap na ‘yun.

“Ang laki nu’ng iginanda ko sa hirap na ‘yun. Ang laki ng iginanda ko. Ang laki ng iginanda ng pamilya ko. Ang laki ng iginanda ng mga malalapit sa akin,” hirit pa niya.

Jolina naiyak nang balikan ang naging challenge sa pagsasama nila ni Mark: ‘Na-test din kami dahil wala kaming helper’

Super Tekla naiyak nang balikan ang nakaraang buhay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda nakipag-meeting daw kay Bobot Mortiz, tuloy na nga ba ang paglipat sa GMA 7?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending