David gusto nang magkaroon ng asawa after 5 years; gagawa uli ng bagong serye at pelikula kasama si Barbie | Bandera

David gusto nang magkaroon ng asawa after 5 years; gagawa uli ng bagong serye at pelikula kasama si Barbie

Ervin Santiago |February 18,2023
facebook
share this

David gusto nang magkaroon ng asawa after 5 years; gagawa uli ng bagong serye at pelikula kasama si Barbie

Ervin Santiago - February 18, 2023 - 12:08 PM

David gusto nang magkaroon ng asawa't anak after 5 years; gagawa uli ng bagong serye at pelikula kasama si Barbie

David Licauco (Photo from Instagram)

LIMANG taon mula ngayon, inamin ng hunk actor at binansagang Pambansang Ginoo na si David Licauco na nakikita niya ang sarili na may asawa’t mga anak na.

Sey ng leading man ni Barbie Forteza sa hit Kapuso series na “Maria Clara at Ibarra”, gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya na medyo bata-bata pa siya para ma-enjoy niya ito nang mahabang panahon.

“I see myself probably getting married in five years. That’s why I’m working hard now for the future,” ani David nang ma-interview ng entertainment media kamakalawa, February 17, sa presscon ng bago niyang endorsement, ang BlueWater Day Spa na ginanap sa Marco Polo Hotel sa Ortigas.

Pero aniya, single na single raw siya ngayon at naka-focus muna sa kanyang showbiz career. Naghihintay lang daw siya sa pagdating ng babaeng nakatadhana para sa kanya.

Chika pa ng binata, ang hinahanap daw niya sa isang babae ay yung “smart, pretty, confident, and knows what she wants.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)


Sa tanong kung paano siya nag-celebrate ng Valentine’s Day last February 14, “I just had dinner with my friends.”

Samantala, todo-todo naman ang pasasalamat ni David sa lahat ng sumusuporta sa “Maria Clara at Ibarra” na talaga namang gumawa ng kasaysayan sa mundo ng telebisyon.

“Nagulat ako sa success ng Maria Clara at Ibarra. At the start I was just a supporting character. And eventually, naging main character na siya,” aniya.

At dahil nga sa tagumpay ng kanilang teleserye sa GMA at sa mainit na pagsuporta ng manonood sa tambalan nila ni Barbie (FiLay), may niluluto nang follow-up project ang Kapuso network para sa kanila — isang bagong teleserye at bonggang pelikula.

Sa ngayon, bukod sa kanyang showbiz career, busy din si David sa kanyang mga negosyo, “I’m into food and beverage business and I have a construction company.”

Sabay na ipinakilala si David at si Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez bilang latest ambassadors ng BlueWater Day Spa, sa naganap na mediacon hosted by Tessa Prieto.

“Relaxation is such a precious time for me. Being very busy with the taping schedules as well as managing my businesses, having my favorite Balinese Massage at the spa at the end of a long tiring week is something that I always look forward to,” chika ni David.

Sabi naman ni Tracy, “I really love something that would concentrate on the areas that usually experience chronic tension like my lower back, shoulders, and neck. The Deep Tissue Massage realigns the deep layers of my tissues and muscles so that I can walk on heels again the following day.”

Ang iba pang celebrity ambassador ng nasabing spa center ay sina Miss World Philippines 2022 Gwendolyne Fourniol, Miss Supranational 2022 Alison Black, Miss Eco Philippines 2022 Ashley Subijano Montenegro, Reina Hispanoamericana Filipinas 2022 Ingrid Santamaria, at Miss Eco Teen International 2022 1st runner-up Beatriz Mcleland.

Anila, ilan sa favorite services nila ay ang Four Hand Massage, Therapeutic Colonic Massage at Pregnancy Massage. May tatlong branch na ang naturang spa center — sa Banawe, Quezon City; Eton Square sa Ortigas Greenhills, San Juan at Estancia Mall sa Pasig City at very soon sa The Infinity Tower, BGC.

Catriona Gray agree sa pagsali ng mga may asawa’t anak na sa Miss Universe, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

David Licauco hindi pa handang magpakasal kaya nagkahiwalay ng dating dyowa; iniyakan ang ex-GF na taga-ABS-CBN

Staff sa isang branch ng nail spa ni Kathryn inireklamo, tamad-tamaran daw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending