Staff sa isang branch ng nail spa ni Kathryn inireklamo, tamad-tamaran daw Bandera

Staff sa isang branch ng nail spa ni Kathryn inireklamo, tamad-tamaran daw

Reggee Bonoan |January 01,2022
share this

Staff sa isang branch ng nail spa ni Kathryn inireklamo, tamad-tamaran daw

Reggee Bonoan January 01, 2022 - 08:12 AM

Kathryn Bernardo

MAY isang branch ng nail spa ni Kathryn Bernardo sa Las Piñas ang inireklamo ng kaibigan ni Nanay Cristy Fermin.

Binasa nito ang mensahe sa kanya ng kaibigan sa online show niyang “Cristy Ferminute”.

“Ang susunod po naming paksa ay tungkol sa nail spa ni Kathryn Bernardo pero hindi po ‘yung mismong salon ni Kathryn ang inireklamo ng kaibigan namin.

“Ito po ‘yung branch sa SM Mall Las Piñas. At saka ‘yung kanya (kaibigan ni nanay) nagtitiwala at nagmamalasakit sa pamilya ni Kathryn na kung maaari raw po ay mayroon sanang nagbabantay sa bawa’t sangay n’yo.

“Kasi ‘yung staff n’yo raw po dito sa Las Piñas, ano po, bukod sa nakabusangot (ang mga staff) na, nagmamadali pa. May mga nag-i-inquire raw po na nagpapagawa ng acrylic nail, sasabihin magsasarado na sila (closing time) katulad nitong kaibigan namin. Twice na po siyang nagpupunta roon sa branch na ‘yun,” simulang kuwento ni Nay Cristy.

“Nu’ng una pinalampas niya, nu’ng pangalawa hindi na niya kayang palampasin kasi ‘yung acrylic nails na ginawa roon kailangan sila rin ang mag-alis. Putol na, sumagad pa, so, masakit na masakit parang ayaw siyang gawin dahil mayroon daw nagpa-schedule na tatlo kaya hindi na sila makatatanggap ng client.

“Hindi pumayag ‘yung kaibigan natin, pumasok siya, naupo siya kasi wala pa naman doon ‘yung tatlo (na nagpa-schedule). Inabot po siya roon ng tatlong oras. Wala pong dumating na nagpa-schedule, so, katwiran ng katamaran lang ‘yun,” kuwento ni Nay Cristy.

Dagdag pa niya, “Mommy Mhin (Bernardo), Kathryn hindi na tumatanggap ng 7 o’clock (gayung) 10 o’clock pa ang sarado n’yo.

“Sana raw magpadala kayo ng mga ramdom clients na kunwari kliyente para alam ninyo kung ano ang nangyayari diyan sa inyong mga branches tama ‘yun, di ba Romel?”

Sagot naman ng co-host ng “CFM”, “Tama po, ikagaganda pa po ng serbisyo ng inyong salon.”

Nag-aalala lang daw ang kaibigan ni ‘Nay Cristy na namumuhunan nga naman sina Kathryn. Kaya ang payo ng host at veteran showbiz columnist, “Naku, tutukan n’yo po ito tita Mhin. Nakakaawa naman po kayo kung labas kayo nang labas ng pera tapos hindi naman kayo pinagmamalasakitan ng mga tauhan n’yo.

“Ngayon pa namang pandemya, buti nga may trabaho pa sila dahil pinayagan na (magbukas ang mga salon ng IATF). Dapat kliyente ang bibigyan n’yo ng pagpapahalaga, hindi puwede ‘yung magtatamad-tamaran, di ba?” aniya pa.

Maraming nagpadala ng mensahe kay Nay Cristy na dapat ay may mga nag-iikot sa branches ng nail salon ni Kathryn.

Bukas naman ang BANDERA sa magiging paliwanag ng mga empleyado ni Kathryn sa kanyang negosyo.

Daniel aminadong nagkamali noon kay Kathryn

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending