Toni Fowler sa mga nagagalit sa ‘MPL’ music video niya: Kung ayaw niyo ‘wag n’yong panoorin
DEADMA lang ang social media influencer at vlogger na si Toni Fowler sa mga bashers na bumabatikos sa latest music video niya na “MPL”.
Simula pa kahapon ay trending na ang vlogger sa Twitter dahil sa kontrobersyal nitong music video dahil sa pagiging malaswa at wild interpretation nito sa mga babae sa tuwing nalalasing.
Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng pagkadisgusto nila sa naturang video ni Toni lalo na’t napapanood ito sa YouTube at accessible sa mga bata at menor de edad na gumagamit nito.
“Pag ayaaaaaw nyo wag nyo panoorin pakasimple,” saad ng vlogger.
Bukod pa rito ay usap-usapan rin ang mga kasama ni Toni sa music video ay buntis at ang kapatid nitong menor de edad ay kasama rin.
Kaya naman naglabas ng pahayag si Papi Galang, ang buntis sa music video at malapit na kaibigan ng social media influencer.
“Marami ang bumatikos samin sa bagong kanta ni mommy Toni Fowler na MPL. Dahil bukod sa rated SPG yung kanta at MV nya ay marami din nag alala sa lagay ko. Sa mga di pa nakakaalam buntis po ako ngayon.
“Mula pa noon ay full support nako kay mommy oni sa lahat ng aspeto mapa personal or tabaho man yan. At kahit buntis ako ngayon ay di naging hadlang yun para suportahan ko sya sa mga bagay na gusto nyang gawin sa buhay,” lahad ni Papi.
Aniya, siya pa nga raw ang nagpumilit kay Toni na sumama sa music video dahil alam niyang matagal na niya itong pangarap at nataon lang na buntis siya.
Chika pa ni Papi, “Laking pasasalamat ko rin sa kanya dahil nag adjust sila ng sobra lalo na when it comes sa mga props na ginamit namin such as inumin na nakita nyo sa mv.”
Sey pa niya, hindi naman tunay na alak ang ininom nila sa music video ni Toni bagkus ay iced tea.
“Naiintindihan ko na nag aalala kayo sa kalagayan ko pero rest assured na walang napahamak na buntis or anyone na kasama sa set ng MV ni mommy oni,” dagdag pa niya.
Ipinaalala pa niya na bawal sa bata ang music video nila kaya daw dapat ay patnubayan ng mga magulang ang mga anak at huwag puro sila ang sisihin.
View this post on Instagram
Nauna naman nang sinabi ng vlogger na may age restriction raw ang kanilang video.
“Iba’t ibang reaksyon para sa MPL MV pero gulat gulatan is my favorite kala mo talaga hindi pa nakakakita ng tt,” sey ni Toni sa isang Facebook post.
Sa ngayon ay may 3.4 million views na ang “MPL” music video ng social media influencer.
Ayon naman sa statement na inilabas ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB),. hindi sumailalim sa review at classification nila ang naturang “MPL” music video at hindi sa kanila nagmula ang rating na “SPG”.
Bukas naman ang BANDERA para sa panig ng kampo nina Toni Fowler at Papi Galang hinggil sa isyung ito.
Related Chika:
Toni Fowler trending dahil sa malaswang music video, netizens naalarma
Toni Fowler ibinandera ang mga larawan nila ni Vice Ganda: 2011 x 2023
Toni Fowler nakatanggap ng P32-M worth ng life insurance mula sa dyowang vlogger
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.