Vilma Santos napaluha nang mapag-usapan ang kinasasangkutang issue ni Luis Manzano: Ang anak ko tumutulong, hindi nangloloko | Bandera

Vilma Santos napaluha nang mapag-usapan ang kinasasangkutang issue ni Luis Manzano: Ang anak ko tumutulong, hindi nangloloko

Therese Arceo |February 14,2023
facebook
share this

Vilma Santos napaluha nang mapag-usapan ang kinasasangkutang issue ni Luis Manzano: Ang anak ko tumutulong, hindi nangloloko

Therese Arceo - February 14, 2023 - 08:12 PM

Vilma Santos napaluha nang mapag-usapan ang kinasasangkutang issue ni Luis Manzano: Ang anak ko tumutulong, hindi nangloloko

HINDI napigilan ng Star for All Seasons na si Vilma Santos ang maiyak nang mapag-usapan ang kinasasangkutang isyu ng panganay na anak na si Luis Manzano.

Sa kanyang interview sa “Fast Talk With Boy Abunda” ngayong araw, February 14 ay naging emosyonal ang beteranang aktres.

Natanong kasi si Ate Vi patungkol sa mga classic lines nito sa kanyang pelikula at isa na rito ang line mula sa “Dekada ’70” na “Hindi masamang tao ang anak ko. Kahit sa oras na ito, humarap ako sa Diyos. Kahit sa demonyo, hindi masamang tao ang anak ko.”

Hirit pa ni Tito Boy, “Tanong lang, Vi, bilang ina, gaano kasakit ngayon ang maranasan na may pinagdaraanan ang iyong anak na si Luis?”

Hindi naman agad nakasagot ang award-winning actress sa katanungan ni Tito Boy at napaluha na lang nang maalala ang matinding pagsubok na kinakaharap ng anak nila ni Edu Manzano.

“I’m sorry… I’m sorry, Tito Boy… It’s not easy. I’m sorry… it’s not easy. I mean, kaya ko i-entertain but the only thing… sorry,” nalulibang saad ni Ate Vi.

Makalipas ang ilang sandali, nang medyo mahimasmasan na ang actress-politician ay sinagot na niyang muli si Tito Boy at sinabing kilala niya ang anak niya.

“Mahirap din kasi na kung minsan, it’s your job to do good. To show people that you’re comfortable, pero deep inside, you’re hurting. And the only thing I can say is that I know my son,” pagbabahagi ni Ate Vi.

Dagdag pa niya, “Ang anak ko tumutulong, hindi nangloloko. Kaya yung mga nagsasalita, naghuhusga sa kanya, dahan-dahan lang kayo. Walang ibang nakakakilala sa anak ko kundi ako. And I know he’s such a good person. I’m sorry.”

Dalangin naman ni Ate Vi ang patuloy na paggabay ng Panginoon sa kanyang pamilya.

“Diyos ko. Oh Lord, oh my God… At this point, it’s just asking for guidance not even for myself but for my children.”

Nakiusap rin ito sa mga netizens na nagbibigay ng hindi magandang komento at naninira kay Luis.

“Ako na lang. Huwag ang anak ko, ako na lang,” sabi ni Ate Vi.

Humingi rin siya ng pasensya at sinabing ayaw niyang i-entertain ang isyu ng anak ngunit nadale siya ng mga tanong ni Tito Boy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vilma Santos Recto (@rosavilmasantosrecto)

Nauna nang itinanggi ni Luis ang mga ibinabatong alegasyon laban sa kanya at sinabing maging siya ay nabiktima rin dahil hindi pa naibalik ang pera niyang P66 million.

Ayon pa sa inilabas na pahayag noon ng panganay ni Ate Vi ay nagbitiw na siya sa pagiging chairman of the board ng gas company noong February 2022 at simula noon ay dinistansya na niya ang sarili mula sa kumpanya.

Related Chika:
Vilma Santos nanawagan sa mga fans na suportahan si Ate Guy: There is a time for everything

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine kay Ate Vi: Noong MMFF awards night nakita ko siya, gusto ko talaga siyang yakapin

Vilma niregaluhan agad ng bonggang regalo ang apo, pinayuhan sina Luis at Jessy: May times na mag-aaway kayo, sa totoo lang, pero…

Vilma Santos, Ralph Recto nagdiwang ng 30th anniversary, na-hot seat ng pamilya sa Q&A session

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending