1 sugatan sa nasunog na warehouse sa Makati | Bandera

1 sugatan sa nasunog na warehouse sa Makati

Pauline del Rosario |February 12,2023
facebook
share this

1 sugatan sa nasunog na warehouse sa Makati

Pauline del Rosario - February 12, 2023 - 10:07 AM

1 sugatan sa nasunog na warehouse sa Makati

PHOTOS: Arnel Tacson, INQUIRER.net

ISA ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang warehouse sa Makati City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagtamo ng second-degree burn sa kanan na braso ang isang trabahador ng nasabing warehouse.

Wala namang naitalang patay sa insidente.

Ayon sa report, Pagawaan ng wooden pallet ang nasunog na warehouse sa Barangay Singkamas.

Nagsimula ang sunog noong February 10 bandang 4:25 p.m. hanggang sa naging 3rd alarm na bandang 4:39 p.m.

Idineklara ang “fire out” matapos ang halos apat na oras, bandang 8:06 p.m.

Ayon sa mga awtoridad, bukod sa mga pinsala sa warehouse ay na-damage din ng sunog ang mga kotse na naka-park malapit dito.

Patuloy pa rin iniimbestigahan hanggang ngayon ang sanhi ng sunog at ang kabuuang pinsala sa warehouse.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read more:

OFW sugatan matapos takasan ang kanyang employer sa Kuwait

Malisyosong basher sunog na sunog kay Nadine: Of course I’m worried + para kang t*nga!

Katawan, itsura ni Kakai nilait-lait: Sorry kung ikalulungkot ng iba na mahal na mahal ko ang sarili ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending