Bienvenido Rubio bagong commissioner ng Bureau of Custom | Bandera

Bienvenido Rubio bagong commissioner ng Bureau of Custom

Pauline del Rosario - February 11, 2023 - 06:48 PM

Bienvenido Rubio bagong commissioner ng Bureau of Custom

PHOTO: Facebook/Bureau of Customs

ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos si Bienvenido Rubio bilang bagong commissioner ng Bureau of Customs (BOC).

Inanunsyo ito mismo ng Presidential Communications Office sa isang Facebook post nitong February 10.

Papalitan ni Rubio si Customs Officer-in-charge Yogi Filemon Ruiz.

Bago maging hepe ng nasabing ahensya, dati nang nanilbihan sa BOC si Rubio bilang Assessment and Operations Coordinating Group officer-in-charge ng Port Operations Service.

Naging parte din siya ng Manila International Container Port-Customs Intelligence at Investigation Service.

Ilan lamang sa mga prayoridad ni Rubio ngayong hepe na siya ng BOC ay ang pagbabantay na hindi makapasok sa bansa ang mga “smuggled” o nakaw na mga produkto.

Mangongolekta din siya ng mga kita mula sa mga imported goods at pangangasiwaan ang galaw ng mga kalakal mula sa kargamento ng mga terminal.

Read more:

Bela naloka sa sistema ng Bureau of Customs: Hello! You guys, OK?

Rowena Guanzon sa pagtatanggol sa dalawang kasambahay: Obligasyon ko na tulungan ang mga nanghihingi ng tulong

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294059/national-artist-bienvenido-lumbera-pumanaw-na-sa-edad-89

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending