Neri may matamis na birthday message kay Chito: Because of you, mas masarap mangarap
PROUD na ibinandera ng dating aktres na si Neri Naig ang kanyang matamis na mensahe para sa mister na si Chito Miranda, ang bokalista ng OPM band na “Parokya ni Edgar.”
‘Yan ay para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Chito nitong February 7.
Inilarawan ni Neri si Chito bilang “best hubby” dahil ito ang dahilan na unti-unti nilang natutupad ang kanilang pangarap sa buhay.
Pinasalamatan din niya ito dahil lagi siyang sinusuportahan ni Chito.
Caption niya sa isang Instagram post, “Happy birthday sa best husband para sa akin! Thank you sa support mo palagi sa akin.”
Patuloy pa niya, “Because of you, napapagaan ang trabaho ko. Because of you, mas masarap mangarap. At dahil sa’yo, natutupad dahan dahan ang lahat ng mga yun na magkasama tayo. Thank you, Dad!”
Sinabi rin ni Neri na “the best dad” din si Chito na hindi nawawalan ng oras sa kanilang anak kahit pagod mula sa trabaho.
“Ikaw ang the best dad para sa mga bata. Kahit pagod ka sa gigs mo, nakikipaglaro ka pa rin sa mga bata. Kami ang priority po,” lahad sa caption.
“Happppy birthday, Dad! We love you so much!,” aniya.
View this post on Instagram
Libo-libo naman ang napa-comment sa post ni Neri at kabilang na riyan ang ilang celebrities.
Sey ng journalist na si Karen Davila, “Happy Birthday [party popper emojis]”
“Pibortdey!” comment naman ng aktor na si Hero Angeles.
Noong December 2014 nang ikinasal sina Neri at Chito.
Nabiyayaan sila ng magagandang tatlong anak na sina Pia, Miguel at Manuel.
Related chika:
Elisse: Yung matagal ko nang hinahanap nakita ko na sa pagiging ina, masarap talaga sa feeling…
Dream role ni Sylvia natupad sa Huwag Kang Mangamba: Masarap siyang paglaruan
‘Huwag po masyadong mag-alala ang mga nagmamahal kay Kris…masarap at masaya pa rin siyang kausap’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.