Ogie Diaz ‘binanatan’ si Willie Revillame: Sana na-happy siya sa kanyang panunumbat | Bandera

Ogie Diaz ‘binanatan’ si Willie Revillame: Sana na-happy siya sa kanyang panunumbat

Pauline del Rosario |February 09,2023
facebook
share this

Ogie Diaz ‘binanatan’ si Willie Revillame: Sana na-happy siya sa kanyang panunumbat

Pauline del Rosario - February 09, 2023 - 11:06 AM

Ogie Diaz ‘binanatan’ si Willie Revillame: Sana na-happy siya sa kanyang panunumbat

MATAPOS ayusin ng “Wowowin” host na si Willie Revillame ang naging gusot nila ng kolumnistang si Cristy Fermin ay bumanat naman ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz.

Sa isang Facebook post, nilahad ni Ogie ang kanyang saloobin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob.

Sey niya, “Sana, pagkatapos niyang manumbat ng mga naitulong at nagawa niya sa kapwa, gumaan ang pakiramdam niya.  Nabunutan na siya ng tinik.

“’Yung wala siyang pinagsisisihan at pinaninindigan niya kasi para sa kanya, kailangan na niyang manumbat.”

Patuloy pa niya, “In short, sana, na-happy siya sa kanyang ginawa at nakaginhawa sa kanyang mental health.”

Nagpayo pa ang talent manager sa mga nabigyan ng tulong ni Willie na maging mabait dahil baka makatikim rin sila ng sumbat.

“Sino pa ang ibang nabigyan ng tulong niya? ‘Yung nabigyan ng jacket diyan? Behave kayo, ha? May baon ang lolo n’yo against you pag nangyari ‘yon,” lahad ni Ogie.

Aniya, “At wag kayong tatanggap ng anumang tulong o bigay o pabor, kung ayaw n’yong masumbatan balang-araw.”

Nagkwento din si Ogie na binigyan siya ng pera ni Willie at nahiya daw siya noon dahil marami ang nakakita na inabutan siya ng cheke.

“Oh, by the way.  ‘Yung 50k cheque noon, habang ibinibigay niya sa akin ay nakikita ng mga tao sa dressing room niya. Hiyang-hiya man ako eh tinanggap ko pa din,” kwento niya.

Bagamat tinanggap niya ang pera, ibinigay naman niya ito bilang donasyon sa mga cancer patients.

Post ni Ogie, “idiniretso ko din sa Kapuso Foundation. Naisip ko, mas kailangan ng mga breast cancer patients na itinataguyod namin ang pera kesa kailangan ko.”

Kung siya naman daw ang tatanungin kung may isusumbat kay Willie ay hindi na niya ito ilalahad dahil hindi niya raw ito ugaling gawin.

Sey ni Ogie, “Wala. Hindi ko ugaling manguwenta. Hindi ko ugaling manumbat.”

Patuloy pa niya, “Pag ginawa mo nang kusang loob at bukal sa puso ang isang bagay, nakakalimutan mo ‘yon as time goes by.  Kasi nga, naturalesa mo ang magbigay at maging mabuti sa kapwa.”

“Alangan namang isa-isahin ko sa kanya ang pagtatanggol ko sa kanya noon eh ginawa ko naman ‘yun nang kusang loob at deserve naman niyang maipagtanggol,” dagdag niya.

Kamakailan lang ay lubos na humingi ng tawad si Willie kay Nanay Cristy, pati na rin sa buong pamilya nito matapos maglitanya sa programang “Wowowin” sa ALLTV laban sa mga taong natulungan niya.

Naging emosyonal ang TV host dahil tila siya ang sinisisi ng lahat sa bali-balitang magsasara ang mga programa sa ALLTV.

Lumalabas daw na siya na ang naging mukha ng nasabing TV network gayung talent din lang din daw siya at higit sa lahat ay wala siyang kinalaman sa pagkuha ng mga artistang nakapirma sa AMBS.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin: ‘Anong utang na loob ang dapat kong tanawin sa ‘yo? Magbilangan tayo Willie Revillame!’

Willie Revillame pinatutsadahan si Ogie Diaz matapos punahin ang ‘technical problem’ sa launching ng ALLTV?

Cristy niresbakan si Willie, isasauli ang pinaghirapang condo: Bago ka magsalita mag-isip ka muna! Pero kung gusto mo ng giyera nakahanda ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending