Classic at iconic ABS-CBN shows, TV Patrol babandera sa ALLTV

Mga classic at iconic ABS-CBN show, TV Patrol babandera na sa ALLTV

Ervin Santiago - April 23, 2024 - 03:00 PM

Mga classic at iconic ABS-CBN show, TV Patrol babandera na sa ALLTV

IBINANDERA ngayong araw ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at ABS-CBN Corporation ang kanilang bonggang-bonggang partnership.

Kabilang na rito ang paghahatid ng mga minahal na entertainment program at makabuluhang balita sa mga manonood sa pamamagitan ng free-to-air channel na ALLTV.

Ginanap ang contract signing ceremony sa Brittany Hotel Villar City para sa content agreements na magbibigay-daan sa ALLTV na ipalabas ang ilang nostalgic Kapamilya shows sa ilalim ng Jeepney TV brand at ang longest-running primetime newscast sa bansa na “TV Patrol.”

Simula May 13, mapapanood ng ALLTV viewers ang mga pinakatumatak at pinakapaboritong Kapamilya teleserye na handog ng Jeepney TV sa iba’t ibang oras pati na rin sa primetime pagkatapos ng “TV Patrol.”

Baka Bet Mo: Confirmed! ‘TV Patrol’ eere na sa ALL TV Channel 2

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dumalo sa contract signing ang Chairman ng Villar Group na si Manny Villar, Sen. Mark Villar, Vista Land & Lifescapes Inc. president at CEO Paolo Villar, at All Value Holdings Corp. president at CEO Camille Villar.

Kinatawan naman ang AMBS nina President Maribeth Tolentino at CFO Cecille Bernardo.

Sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, chief operating officer Cory Vidanes, Group CFO Rick Tan, at chief partnership officer Bobby Barreiro naman ang kumatawan sa ABS-CBN.

Layunin ng bagong partnership na maghatid ng saya at balita sa mga manonood ng ALLTV na available sa Channel 2 sa free TV, cable, at satellite TV nationwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending