Hugot ni Ogie Diaz sa toxic friends: Baka it’s the other way around!?
UMANI ng sandamakmak na likes at comments ang nakakalokang hugot ni Ogie Diaz tungkol isyu ng mga “toxic friends.”
Usung-uso kasi ngayon ang mga talakan at bardagulan ng mga netizens na may konek sa mga pabigat at mga negang kaibigan sa barkadahan.
Sa isang episode ng “It’s Showtime” ay inamin ni Vice Ganda na naka-experience na rin siya ng mga nakakalokang pagtrato mula sa kanyang toxic friends at kung paano niya ipinaglaban ang mga taong minamahal sa mga ganitong klase ng mga kaibigan.
Baka Bet Mo: Andrea Brillantes umaming ‘gantitera’ sa mga nagdaang relasyon: I really like to get even or I even get worse
Sabi ni Vice, hinding-hindi siya papayag na laitin at maliitin ng mga kaibigan niya ang kanyang partner.
View this post on Instagram
“Hindi ako magiging mabait sa iyo habang winawalanghiya mo ang asawa ko. Hindi. I will give back the same energy. Makakaasa ka. Hindi na ako ganu’n kabait,” ang malalim na hugot ng TV host-comedian.
Aniya pa tungkol sa boundaries na kailangang irespeto ng mga kaibigan niya, “I will protect this space. Hindi ako lalabas para sa inyo. Hindi rin kayo makakapasok. Proprotektahan ko itong espasyong ito.”
Para naman sa content creator at talent manager na si Ogie Diaz, may mga pagkakataon din daw na talagang umiiwas muna siya sa mga kaibigang may mga nega vibes.
Baka Bet Mo: Vice: Hindi ako magiging mabait sa ‘yo habang winawalanghiya mo asawa ko
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Papa O ng kanyang saloobin about toxic friends.
“Hay, nako. Di muna ako nakikipagkita sa ibang friends ko! Ang to-toxic na nila!” ang simulang pagbabahagi ng online host.
“Madalas kong marinig yan. Minsan kong narinig yan sa isang kaibigan. Gusto kong sabihin sa kanya, ‘Uy, baka it’s the other way around. Ikaw yung nilalayuan kasi ikaw ang toxic.’
“Pero siyempre, hindi ko na sinabi. Hahahahaha!
View this post on Instagram
“Honestly, me ganyang episode din ako. Me mga kaibigan kang ayaw mo munang makita dahil imbes na gumaan ang araw mo eh kung anu-ano ang hinaing at problema sa buhay.
“Parang siya lang ang may-ari ng oras at emosyon mo. At dapat handa ang tenga mong makinig sa rant niya in life. Lalo na yung mga kwentuhang ibinibida lagi ang sarili,” pagbabahagi pa ni Ogie.
Ang palagi raw niyang advice sa kanyang mga friends, “‘Wag n’yong sabihing tumakas ka muna sa mga toxic na tao. Kasi, baka balikan ka at sabihing ikaw naman ang toxic talaga at hindi sila.
“Ang dapat mong sabihin, ‘Pahinga muna ako. Baka toxic na ako sa inyo, nakakahiya naman.’
“O, ano pa sasabihin nila sa linya mong yan? Inako mo na ang ugali nila (emojis),” sey pa ni Papa O.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.