Katarina Rodriguez nanganak na sa ika-2 baby nila ni Niño Barbers: 'Clara Amal, welcome to this beautiful world of life!' | Bandera

Katarina Rodriguez nanganak na sa ika-2 baby nila ni Niño Barbers: ‘Clara Amal, welcome to this beautiful world of life!’

Ervin Santiago |February 07,2023
facebook
share this

Katarina Rodriguez nanganak na sa ika-2 baby nila ni Niño Barbers: ‘Clara Amal, welcome to this beautiful world of life!’

Ervin Santiago - February 07, 2023 - 02:11 PM

Katarina Rodriguez nanganak na sa ika-2 baby nila ni Niño Barbers: 'Clara Amal, welcome to this beautiful world of life!'

Katarina Rodriguez at Baby Clara

NANGANAK na ang former beauty queen-actress na si Katarina Rodriguez sa second baby nila ng kanyang longtime partner na si Niño Barbers.

Sa pamamagitan ng kanyang social media accounts, masayang ibinalita ng dating Miss World Philippines na isinilang na niya last January 29 ang bagong member ng kanilang family.

Nag-share ng ilang litrato si Katarina sa kanyang Instagram page kahapon, February 7 kung saan makikita ang itsura ng kanilang baby na pinangalanan nilang Baby Clara Amal.

“A week of her,” ang maiksing caption ni Katarina sa super cute photos ng kanilang baby girl.

Nagbahagi rin si Niño ng mga litrato ni Baby Clara sa kanyang Instagram page kung saan kasama naman nito ang panganay nila ni Katarina na si Quino.

“Clara Amal. Welcome to this beautiful world of life,” ang caption na inilagay niya sa kanyang IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katarina (@katarinarodri)


Bumuhos naman ng pagbati para kina Katarina at Niño mula sa kanilang socmed followers kabilang na sina Liza Soberano at Andi Eigenmann.

“She’s so beautiful!! Congratulations @katarinarodri and Niño,” mensahe ni Liza.

“Hello little Claraaa!” pagbati ni Andi.

Ilan pa sa mga bumati sa pagsilang ni Baby Clara ay ang mga kapwa beauty queen ni Katarina tulad nina Kylie Verzosa, Megan Young, Karen Gallman, Laura Lehmann at Sandra Lemonon.

Sa Siargao na naninirahan ang pamilya ni Katarina kung saan din matatagpuan ang kanilang resort in Siargao. Si Katarina ang nag-represent sa Pilipinas sa Miss World 2018.

Pero bago ito, kinoronahan din siya bilang Binibining Pilipinas Intercontinental at lumaban sa 2017 Miss Intercontinental pageant, kung saan itinanghal siyang first runner-up.

Napanood din siya sa hit ABS-CBN series na “Make It With You” na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Rabiya Mateo mapapanood na sa GMA 7; Katarina Rodriguez tinawag na ‘mental game’ ang pagbubuntis

Katarina Rodriguez inalala ang paghagupit ng bagyong Odette sa Siargao: Ito ang pinakamasakit na naranasan ko…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maymay Entrata, Edward Barbers deadma sa isa’t isa?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending