Maymay Entrata, Edward Barbers deadma sa isa't isa? | Bandera

Maymay Entrata, Edward Barbers deadma sa isa’t isa?

Reggee Bonoan |February 15,2022
facebook
share this

Maymay Entrata, Edward Barbers deadma sa isa’t isa?

Reggee Bonoan - February 15, 2022 - 05:49 PM

Maymay Entrata, Edward Barbers deadma sa isa't isa?

BAGAMA’T nagbigay na ng hint noon si Maymay Entrata na may taong nagpapasaya sa kanya outside showbiz ay okay lang ito sa ka-loveteam niyang si Edward Barbers kasi siguro at that time ay wala pang pruwebang ipinapakita ang singer/actress.

Pero nitong Araw ng mga Puso ay marami ang ginulat si Maymay dahil walang kaabog-abog na pinost niya sa kanyang Instagram account ang larawang nakayakap siya sa lalaking foreigner na ang caption niya ay, ‘Happy Birthday My Valentino (emoji heart).”

Obviously ito ang lalaking nagpapasaya sa kanya na hindi taga-showbiz kaya maraming nagulat sa showbiz industry na nang basahin naming ang lahat ng komento ay mula sa kapwa niya celebrities na umabot na nga sa 1.1M likes at hearts na pawang pagmamahal at pagbati ang mga nabasa namin.

Hindi binanggit ni Maymay ang pangalan ng boyfriend niya na kaarawan din pala kahapon, Pebrero 14, pero ibinuking naman ng mama ng dalaga ang name ng kasintahan niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Base sa komento ng nanay ni Maymay na si Gng. Lorna Entrata, “Happy For you nak @maymay Love you both Happy Valentines… and Happy Birthday Aaron.”

Samantala, tinanong kami ng taga ibang bansa kung may gusot sina Maymay at Edward dahil wala silang nabasang pagbati o komento ng binata sa kanyang ka-loveteam.

Oo nga ‘no, bakit nga ba dedma si Edward?

“Wala nga reaksyon si Edward nu’ng tanungin siya about the post ni Maymay,” sabi ng taong malapit sa dalawa.

Anyway, trulili kaya na ayaw na ni Edward umarte? Mas gusto na raw niyang maging host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa medaling salita buwag na ang loveteam nila ni Maymay na tila mas tanggap din bilang solo artist lalo’t mahigit 12M and still counting na ang views ng Amakabogera music video niya.

 

Related Chika:
Edward kay Maymay: From the bottom of my heart, I’m really sorry…
Maymay: Kahit ano’ng gawin mo na maging mabait at perpekto lagi silang may masasabing mali

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending