Rabiya Mateo mapapanood na sa GMA 7; Katarina Rodriguez tinawag na 'mental game' ang pagbubuntis | Bandera

Rabiya Mateo mapapanood na sa GMA 7; Katarina Rodriguez tinawag na ‘mental game’ ang pagbubuntis

Ervin Santiago |September 19,2021
facebook
share this

Rabiya Mateo mapapanood na sa GMA 7; Katarina Rodriguez tinawag na ‘mental game’ ang pagbubuntis

Ervin Santiago - September 19, 2021 - 12:49 PM

Rabiya Mateo at Katarina Rodriguez

“MENTAL game.” Ganyan inilarawan ni 2018 Miss World Philippines Katarina Rodriguez ang kanyang pregnancy journey ilang linggo bago isilang ang kanyang panganay na anak.

Ibinahagi ng future mommy ang ilang kaganapan habang ipinagbubuntis ang kanyang first baby sa pamamagitan ng social media.

Sa isa niyang Instagram post, ipinaalam ni Katarina na nasa final month na siya ng kanyang pregnancy at aminado siya na napakahirap din ng pinagdaanan niya nitong mga nagdaang buwan.

“I have been through so many changes, physically, emotionally, and spiritually. My mantra throughout the last 9 months was to let go and let flow,” ang bahagi ng caption ng dating beauty queen sa kanyang IG post.

Aniya pa, “My intuition has never been as strong as it has been this past year and in times of confusion, or moments where I feel like I’m losing myself, I turn inward, I listen to my intuition, and suddenly my mind relaxes.

“This little mental game has been interesting to me while pregnant. I feel as if I meet a new part of myself every day, but at the same time I feel like I have never known myself more than I do now,” dagdag pa niyang mensahe.

Kung matatandaan, in-announce ni Katarina last month na magkaka-baby na sila ng kanyang businessman boyfriend na si Niño Barbers.

Halos dalawang taon nang naninirahan ngayon sa Siargao ang dating “Asia’s Next Top Model” finalist at si Niño. 

* * *

Rarampa si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa isa na namang fresh at nakakalokang episode ng “The Boobay And Tekla Show” (TBATS) ngayong Linggo ng gabi sa GMA 7.
Mapapanood dito ang kakaibang side ni Rabiya kasama sina Boobay ay Super Tekla. 

Sa interview segment na “May Pa-Presscon,” sasagutin ng Ilongga beauty queen ang limang nakakaintriga at pinakamahirap na mga tanong.

Isa sa matapang na sinagot ng dalaga ay ang tanong na, “Kung maibababalik niya ang oras, mas gugustuhin ba ni Rabiya na magkaroon ng korona o ang kanyang buhay pag-ibig?”

May mga pasabog pang pag-amin ang Pinay beauty queen tungkol sa kanyang pamilya, beauty pageants, at karanasan sa pakikipag-date sa “Guilt or Not Guilty” segment.

Sa improv portion namang “Ang Arte Mo,” sasabak si Rabiya sa nakakatawang acting workshop sa tulong nina Boobay, Tekla, at Mema Squad na binubuo nina Pepita Curtis, Ian Red, Kitkat at Brenda Mage.

May bonus pang regalo si Rabiya para sa mga tagasubaybay ng “TBATS” dahil ibabandera rin ng Ilongga beauty queen ang kanyang talent sa dancing sa “Galaw Galaw” segment na siguradong magbibigay ng additional good vibes sa Sunday night ninyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya huwag palampasin ang kaabang-abang na new episode ng “The Boobay and Tekla Show” tonight sa GMA pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending