Sunshine Cruz pinagsisihan ang pagiging 'bold star': Naging malaking parte 'yun ng separation namin | Bandera

Sunshine Cruz pinagsisihan ang pagiging ‘bold star’: Naging malaking parte ‘yun ng separation namin

Therese Arceo |February 03,2023
facebook
share this

Sunshine Cruz pinagsisihan ang pagiging ‘bold star’: Naging malaking parte ‘yun ng separation namin

Therese Arceo - February 03, 2023 - 02:15 PM

Sunshine Cruz pinagsisihan ang pagiging 'bold star': Naging malaking parte 'yun ng separation namin
INAMIN ng aktres na si Sunshine Cruz na malaki ang epekto ng paggawa niya ng mga sexy movies noon sa kanyang buhay.

Sa interview niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay sinabi niyang pinagsisihan niya ang pagiging bold star o sexy star dahil ito ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kapwa aktor na si Cesar Montano.

Natanong kasi si Sunshine kung dumating ba sa puntong ni-regret niya ang paggawa g sexy movies.

“There was a time na ni-regret ko ‘yun especially naging malaking parte ‘yun ng aming separation ng aking ex-husband (Cesar Montano) but at the end of the day mas naging stronger ako.

“Mas natuto ako and ang ginawa ko lang Tito Boy ay mas pinatunayan ko sa mga tao na hindi lang ako sexy star o bold star,” saad ni Sunshine.

Dagdag pa niya, “I can also be a singer. I can be an actress and most especially I am a good mom… Lahat naman tayo nagkakamali, nagkakaroon ng maling desisyon noong mga bata pa tayo pero ang importante ay kung ano tayo ngayon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)

Sa kabila naman ng kanilang paghihiwalay ay naging maayos na rin ang kanilang samahan at sa katunayan ay in good terms rin sila ng bago nitong partner na si Kath Angeles.

Matatandaang noong 2000 nang ikasal sina Sunshine at Cesar ngunit naghiwalay rin sila noong 2013.

Sa kasunod na taon ay nag-file naman ang aktres ng annulment upang mapawalang bisa ang kasal nila ng dating asawa.

Ayon kay Sunshine, nagkaroon raw ng ibang babae si Cesar at may reklamo rin ito ng domestic abuse gaya ng marital rape at kahalayan sa harap ng kanilang mga anak na babae.

Nagkaroon sila ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca.

Matapos nga ang apat na taon ay pinayagan na ng Quezon City Regional Trial Court ang petisyon ni Sunshine noong September 2018.

Related Chika:
Sunshine Cruz sa muling pagkikita nila ni Cesar Montano: God’s perfect timing!

Sunshine Cruz nawalan ng ‘trust’ kay Macky Mathay kaya naghiwalay: Hindi lang love ang importante dapat may tiwala at respeto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sunshine Cruz sa mga nababagabag sa kanyang pananamit: Kindly unfollow for your peace of mind

True ba ang chika, Sunshine Cruz at Macky Mathay hiwalay na?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending