Bamboo kinuwestiyon ng netizens nang maging parte ng Tingog partylist Thanksgiving concert | Bandera

Bamboo kinuwestiyon ng netizens nang maging parte ng Tingog partylist Thanksgiving concert

Therese Arceo - February 02, 2023 - 10:04 PM

Bamboo kinuwestiyon ng netizens nang maging parte ng UniTeam Thanksgiving concert

USAP-USAPAN ang singer at songwriter na si Bamboo matapos itong maispatan sa isang poster ng UniTeam at Tingog partylist Thanksgiving concert.

Ang naturang poster ay agad nag-trending lalo na sa Twitter kung saan makikita rin sina Karla Estrada, Andrew E., at dalawa pang banda sa mga magpe-perform. Nakatakda ring maganap ang concert ngayong Pebrero at Marso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BambooMusic Live (@bamboomuzaklive)

Ang concert ay mangyayarisa Cebu sa Pebrero 12. Susunod ay sa Tagum City sa Pebrero 17. Sa Quezon City naman sa Pebrero 25 at Marso 4 sa Tacloban City.

Marami nga sa mga netizens ang talaga namang nagulat na kasama si Bamboo sa naturang concert at hindi ito maipagkakaila dahil nasa gitna pa mismo ang kanyang larawan.

“Tatsulok leaves and denies the singer,” saad ng isang netizens.

Comment naman ng isang netizen, “Yes, Coach Bamboo? Kumusta naman ang kantang inawit mo na may lyrics na: ‘Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, ‘Di matatapos itong gulo.'”

“Sa mga susunod na singers and artists, make sure that every artistic output you do should reflect on your principles, ideologies, and values. Ending nyan, you’re just parroting songs for the sake of hits,” sey naman ng isa.

Hirit naman ng isa, “Here is your reminder that Bamboo did NOT write ‘Tatsulok.’ The song was an original by the band Buklod, of which Noel Cabangon is a member of. It was written during the Cory Aquino Administration, specifically when she shifted to the right and went all out against the NPA.”

Bagamat wala pang pahayag si Bamboo patungkol sa pagkwestyon sa kanya ng mga netizens ay naglabas naman ng pahayag ang Tingog partylist patungkol sa pagkakasama ng singer sa kanilang concert.

“His [Bamboo] upcoming shows for Tingog Party-List’s Pasasalamat Concert is confined merely as a guest performer and not as an endorser nor supporter of any party or person,” saad sa kanilang official Facebook page.

Samantala, bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng kampo ni Bamboo hinggil sa isyu.

Related Chika:
Ninakaw na bulldog nina DJ Mo at Angelicopter natagpuang patay; iniimbestigahan na ng pulis sa Las Vegas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagsali ni Karla sa Tingog Party-list, kinuwestyon ng KathNiel fans

Pumatay sa aso ni DJ Mo naaresto na…hustisya para kay Bamboo: He was beaten and left for dead in the desert

Litrato ni Julia Montes sa thanksgiving party ng ‘Probinsyano’ pinagpiyestahan ng mga Marites, buntis na naman daw?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending