Litrato ni Julia Montes sa thanksgiving party ng 'Probinsyano' pinagpiyestahan ng mga Marites, buntis na naman daw? | Bandera

Litrato ni Julia Montes sa thanksgiving party ng ‘Probinsyano’ pinagpiyestahan ng mga Marites, buntis na naman daw?

Ervin Santiago |August 18,2022
facebook
share this

Litrato ni Julia Montes sa thanksgiving party ng ‘Probinsyano’ pinagpiyestahan ng mga Marites, buntis na naman daw?

Ervin Santiago - August 18, 2022 - 12:42 PM

Julia Montes, Sharon Cuneta at Coco Martin

MULI na namang pinagpiyestahan ng netizens ang mga litrato ni Julia Montes sa social media na kuha sa thanksgiving party ng “FPJ’s Ang Probinsyano” kamakailan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin diretsahang inaamin nina Julia at Coco Martin ang tunay na estado ng kanilang relasyon pati na ang matagal nang chika na may isa na sila umanong anak.

Pero sabi nga ng mga netizens, base sa mga naglabasang litrato noon ng rumored celebrity couple kabilang na ang mga kuha noong magtungo sila sa Boracay at Mindoro — “kailangan pa bang i-memorize yan!?”

At ang latest nga mga ka-Marites, buntis na raw uli si Julia sa second baby nila ni Coco na siyang dahilan umano kung bakit biglang nawala ang karakter ng aktres sa huling ilang linggo ng “Probinsyano.”

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang tila baby bump ni Julia sa kumalat na mga litrato mula sa thanksgiving event ng nagtapos na action series ni Coco na naganap noong August 14.

May ilang pictures din na ipinost si Megastar Sharon Cuneta kasama sina Coco at Julia kung saan kapansin-pansin nga ang pagtatakip ng aktres sa kanyang tiyan. Nakasuot ng all-black OOTD si Julia — sleeveless blazer, itim na top and pants.

At base nga sa mga comments na nabasa namin sa Facebook post ni Sharon, feeling nila ay totoong nagdadalang-tao si Julia. Ilan pa nga sa kanila ay nag-congratulate kina Coco at Julia.

Samantala, sa isa namang IG post ni Julia, makikita ang litrato nila ni Megastar na magkayakap at dito nga napansin ng netizens ang kumikinang na suot na singsing ni Julia na pinaniwalaang engagement ring nila ni Coco.

Actually, hindi ito ang unang beses pagkakataong napansin ng netizens na may suot si Julia na diamond ring sa kanyang left ring finger.

Una nang naging hot topic sa socmed ang tungkol sa kontrobersyal na engagement/diamond ring umano ni Julia noong June nang mag-post siya ng ilang photos mula sa isang pictorial ng bago niyang endorsement.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280634/julia-montes-sa-bahay-na-ni-coco-martin-nakatira
https://bandera.inquirer.net/282457/julia-montes-miss-na-miss-na-ng-fans-kaya-may-paramdam-sa-abs-cbn
https://bandera.inquirer.net/294777/angel-naghanda-ng-bonggang-after-quarantine-thanksgiving-dinner-para-sa-pamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending