Korean actor Nam Joo Hyuk sasabak na sa military service sa Marso
NAKATAKDA nang sumabak sa mandatory military service ang sikat na Korean actor na si Nam Joo Hyuk sa susunod na buwan.
Kinumpirma ‘yan mismo ng kanyang talent agency na SOOP sa isang pahayag, ayon sa Korean media outlet na Soompi.
Ayon pa sa ulat, naka-enlist ang aktor sa “police squad” at mag-uumpisa na sa March 20.
“It is true that Nam Joo Hyuk was accepted into the military police force,” saad sa inilabas na statement.
Dagdag ng talent agency, “He will be enlisting in the police squad on March 20.”
Sinabi pa ng Soompi na limang linggo mananatili sa army training ang Korean star bago ilipat sa naka-assign na istasyon.
Noong Oktubre pa nang mabalitaan na naghahanda na para sa enlistment si Joo Hyuk.
Ilan lamang sa mga pinagbidahan ng aktor ay ang hit K-drama na “Start-Up,” “Weightlifting Fairy,” “Scarlet Heart,” at “The Bride of the Water God.”
Ang latest project niya nitong 2022 ay ang Disney+ series na may titulong “Vigilante” na katatapos lang i-shoot nitong Disyembre.
Matatandaan noong 2018 din ay bumisita si Joo Hyuk sa Pilipinas para sa isang fan convention na isinagawa ng isang local clothing brand.
Related chika:
Jin ng BTS nagsimula na sa kanyang mandatory military service sa South Korea
Netizens dismayado kay Jeric Gonzales sa ‘Start Up’: Nam Do San n’yo stressed na agad
Carlo ibinuking ang dahilan kung bakit hindi naka-join sa ‘Squid Game’; inalok sa role na ‘Ali’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.