Carlo ibinuking ang dahilan kung bakit hindi naka-join sa 'Squid Game'; inalok sa role na 'Ali' | Bandera

Carlo ibinuking ang dahilan kung bakit hindi naka-join sa ‘Squid Game’; inalok sa role na ‘Ali’

Ervin Santiago - September 30, 2021 - 08:53 AM

Carlo Aquino at Anupam Tripathi

HINAYANG na hinayang ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino na hindi siya nakasali sa super successful Korean series na “Squid Game”.

In fairness, mismong ang direktor ng pinag-uusapang serye ngayon ng mga Pinoy na si Hwang Dong Hyuk ang nag-request na mag-audition siya para sa isang mahalagang role.

Ano nga ba ang totoong nangyari at hindi na nakapunta at nakapag-audition sa Korea ang award-winning actor at singer para sa “Squid Game”?

Nagpaliwanag si Carlo tungkol dito sa panayam ng Star Magic. Aniya, totoong pinag-audition siya ni Direk Hwang Dong Hyuk for a particular role sa “Squid Game” dahil napanood daw nito ang isa sa kanyang pelikula kung saan nakasama niya si Maine Mendoza.

“Nag-message sa akin si tita Cris (Tapang), ‘yung handler ko, na may ano daw gusto magpa-audition, sabi niya, ‘Napanood ka sa Isa Pa with Feelings.’ Gusto kang ipa-audition para sa isang Korean series, ‘yung director napanood ka,’” lahad ng aktor.

Dagdag chika pa ni Carlo, ang ino-offer daw sa kanya ay ang character na Abdul Ali na ginampanan Anupam Tripathi na isang foreign worker mula sa Pakistan na nag-join sa patayang laro.

Dagdag ni Carlo, mahigit isang buwan daw sana siyang magsu-shooting sa Korea para sa nasabing project. 

“Nandon na sila, si tita Cris, nasa usapan na sila. Sabi nila, ‘Hi Carlo this is the attached schedule, shooting days is 45 days but for your character Ali, it’s 37 days,” kuwento pa ni Carlo.

Feeling daw niya, “Kaya siguro hindi ako natuloy dahil nagkaroon ng lockdown sa Korea. Ayaw nila magpapasok so siguro ‘yung mga available artists nila don sa Korea, ‘yun ang mga kinuha nila.” 

Aniya pa, “Nanghihinayang ako eh. Nakakalungkot na hindi natuloy dahil sa pandemic.” 

Dugtong pa niyang sabi, “Sayang and ang galing na makagawa ka ng ganong istorya na nasa isang malaking-malaki na warehouse ‘yung shoot pero sobrang engaging nong series.”  

Kung matatandaan nga, noonh June 2020, ay nag-post si Carlo sa Instagram ng isang letter na natanggap niya mula sa director na si Dong Hyuk.  

Aniya sa caption, “Handwritten note from a brilliant director. Wooop!! Couldn’t be more excited to work with you guys once this pandemic is over. #HwangDongHyuk.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bida sa “Squid Game” sina Lee Jung-jae, Park Hae-soo, Oh Yeong-su, HoYeon Jung, Heo Sung-tae, Anupam Tripathi at Kim Joo-ryoung.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending