Janella Salvador ready nang ma-in love uli, OK ang relasyon kay Markus Paterson: 'We are co-parenting nang maayos' | Bandera

Janella Salvador ready nang ma-in love uli, OK ang relasyon kay Markus Paterson: ‘We are co-parenting nang maayos’

Ervin Santiago |February 02,2023
facebook
share this

Janella Salvador ready nang ma-in love uli, OK ang relasyon kay Markus Paterson: ‘We are co-parenting nang maayos’

Ervin Santiago - February 02, 2023 - 01:01 PM

Janella Salvador ready nang ma-in love uli, OK ang relasyon kay Markus Paterson: 'We are co-parenting nang maayos'

Markus Paterson, Janella Salvador at Jude

BUKAS na uli ang puso ni Janella Salvador para magmahal at open na rin siya kung sakaling may lalaking magyaya sa kanya na makipag-date.

Matagal-tagal na ring single ngayon ang Kapamilya actress at celebrity mommy at mukhang naka-move on na rin siya sa paghihiwalay nila ng dating partner na si Markus Paterson.

Civil naman daw sila ng aktor sa isa’t isa at maayos ang co-parenting agreement nila para sa kanilang two-year-old na anak na si Jude.

“Okay naman kami, we are co-parenting nang maayos. Okay naman, wala namang problema,” ani Janella nang kumustahin ang relasyon nila ngayon ng aktor pagkatapos ng finale presscon ng “Mars Ravelo’s Darna” last Monday.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)


Noong September, 2022 kinumpirma ni Markus na hiwalay na sila ni Janella kasabay ng pag-amin ng aktres na isa na siyang single mother.

Sinagot din ni Janella, na puring-puri ng mga manonood bilang Valentina at Regina sa “Darna”, kung paano niya ide-describe ang pagiging single mother kay Jude.

“It is the best experience of my life so far. Happy ako, I can’t believe I have a two-year-old now. It’s nice to see him growing into the person that he’s turning out to be,” aniya.

At sa question kung ready na uli siyang ma-in love, “I guess, yeah open naman ako.”

Tutukan ang pagtatapos ng “Darna” sa Kapamilya Network at huwag na huwag palalagpasin ang final episode at ending nito sa February 10.

Markus Paterson ‘bugbog’ sa netizens matapos mag-dialogue ng, ‘Never to fu*king date someone in the industry!’

Netizen pinagsabihan sina Andi at Jake bilang magulang ni Ellie: Kaya ayoko nang mag-asawa, eh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Markus Paterson ‘almost a year’ nang hiwalay kay Janella: Our only priority is Jude

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending