Manny Pacquiao sa mga Marites: 'Naku, paparusahan kayo ng ating Panginoon dahil sa mga ginagawa ninyo' | Bandera

Manny Pacquiao sa mga Marites: ‘Naku, paparusahan kayo ng ating Panginoon dahil sa mga ginagawa ninyo’

Ervin Santiago |February 01,2023
facebook
share this

Manny Pacquiao sa mga Marites: ‘Naku, paparusahan kayo ng ating Panginoon dahil sa mga ginagawa ninyo’

Ervin Santiago - February 01, 2023 - 06:19 PM

Manny Pacquiao sa mga Marites: 'Naku, paparusahan kayo ng ating Panginoon dahil sa mga ginagawa ninyo'

Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao

TINULDUKAN na rin ng Pambansang Kamao at dating senador na si Manny Pacquiao ang mga chika na naghiwalay na sila ng kanyang asawang si Jinkee Pacquiao.

Sa pamamagitan ng isang TikTok video, naglabas ng resibo o ebidensiya si Pacman na very much together pa rin sila ni Jinkee at isang kasinungalingan ang balitang nag-file na raw sila ng annulment.

Pinaalalahanan pa ni Pacquiao ang mga “Maritess” na mag-ingat sa pagpapakalat ng fake news lalo na sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)


Ngayong araw, February 1, nag-upload nga ang dating senador  ng video sa TikTok na kuha sa isang coffee shop sa General Santos City. Mismong si Manny ang kumukuha ng video habang nagdi-date sila ng kanyang misis.

“Nandito kami ngayon sa Starbucks sa GenSan sa SM kasama ang aking soulmate, si Jinkee.

“Kasi binabalita, mga Maritess diyan…baka mamatay kayo sa inggit,” ang nakangiting chika ni Pacquiao habang natatawa naman si Jinkee na nasa kanyang harapan.

Mensahe pa ni Pacman sa mga taong mahilig gumawa ng tsismis at fake news, “Mga tsismis diyan, naku, paparusahan kayo ng ating Panginoon dahil sa mga ginagawa ninyo, alalahanin nyong mabuti.

“Stay safe. Know that God is good all the time,” huling mensahe ng Pambansang Kamao.

Kasabay nito, nag-post naman si Jinkee sa kanyang Instagram ng makahulugang mensahe na sinasabing may kaugnayan sa balitang hiwalayan na sila ni Manny.

“Home is wherever i’m with you. By your side is where i want to be. I Love You, babe!” ang caption ni Jinkee with matching love at positive emojis.

Sa statement naman na ipinadala ni Jinkee sa “Fast Talk With Boy Abunda” kanina, bukod sa hiwayalan issue ay itinanggi rin niyang buntis siya.

True ba, Jinkee Pacquiao nagmaldita raw sa ibang bansa?

Jinkee may bwelta sa patutsada ni Cristy Fermin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jinkee, Manny nagbakasyon sa Japan, ibinandera ang mga branded na gamit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending