Hirit ni Dina kay Alex nang sitahin sa pagiging late palagi sa taping: 'Hindi pa ipinapanganak ang babastos sa akin' | Bandera

Hirit ni Dina kay Alex nang sitahin sa pagiging late palagi sa taping: ‘Hindi pa ipinapanganak ang babastos sa akin’

Ervin Santiago |January 31,2023
facebook
share this

Hirit ni Dina kay Alex nang sitahin sa pagiging late palagi sa taping: ‘Hindi pa ipinapanganak ang babastos sa akin’

Ervin Santiago - January 31, 2023 - 05:34 PM

Dina Bonnevie kay Alex Gonzaga: 'Hindi pa ipinapanganak ang babastos sa akin'

Alex Gonzaga at Dina Bonnevie

“SABI ko kung gusto mong magtagal sa industriya hindi dapat ganyan ang ugali.” Yan ang bahagi ng matapang na pahayag ni Dina Bonnevie patungkol kay Alex Gonzaga.

For the first time, nagpaliwanag ang award-winning veteran actress sa lumang isyung kinasasangkutan nila ni Alex na may kaugnayan sa  pagiging professional at pagrespeto sa mga katrabaho.

Nagkuwento si Ms. D hinggil sa nangyari sa kanila ni Alex 12 years ago habang ginagawa nila ang isang teleserye sa TV5. Kung hindi kami nagkakamali ang tinutukoy ng seasoned actress ay ang TV version ng “P.S. I Love You.”

Inamin niya na hindi lang siya ang may isyu noon sa pagiging unprofessional umano ng TV host-actress at vlogger kundi pati na rin ang mga co-stars nila sa programa, dahil sa pagiging late nito lagi sa taping.

“We’re working together kaya lang hindi lang siya nangyari once, twice, thrice and hindi lang naman ako, there were other co workers na naaapektuhan na rin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geraldyn Bonnevie-Savellano (@dinabonnevie)


“So, napag-usapan na ako ang spokesperson, nandu’n sina Gabby Cncepcion, Cheska Iñigo, si Nadine Lustre, we were all together and nobody has the strength to come up to her and talk to her. So, okay sige, ako ang magiging spokesperson,” pahayag ng aktres.

Pero paglilinaw ni Dina, “Hindi totoong sinigawan ko siya mula ulo hanggang paa, kasi yung setting namin sa may simbahan, may chapel du’n sa may Antipolo and then may parang rotonda and that morning late na naman siya so, nagpipigil na kami du’n.

“May gusto nang mag-walkout sa set, sabi nila, ‘hindi ko na kaya, to.’ So, sinasabi nila kausapin ko na. Okay sige, ako lang naman ang may lakas ng loob. Pero wala pa akong sinabi that time.

“And then lunch break umalis na naman siya. Pagbalik niya, basa ang buhok, walang make up. So we have to wait na naman ng another three hours bago makapag take so kumukulo na ang dugo ng lahat.

“Ako naman sabi ko, kasi may eksena kami, parang ako ang mommy niya du’n, hindi siya makaiyak. Kaya sabi ko sa kanya, ‘you know Alex kaya hindi ka makaiyak because youre not connected with your emotions.

“You know honestly I want to talk to you, we don’t like what you are doing. Tapos sabi niya, ‘Eh, marami akong ganap, e, ganyan-ganyan.’  Sabi ko, wait a minute, I just want to talk to you.’ And then sabi niya, ‘hindi, e, hindi n’yo kasi alam yung side ko.’ Gumaganu’n na siya.

“Sabi ko hindi pa ipinapanganak ang babastos sa akin Alex, kinakausap kita nang maayos. If you want to stay long in this business you have to be professional. Lagi kang late, you know, you can’t even memorize your lines, hindi ka makaiyak.

“I’m not talking to you like this because I want to pull you down, I want you to succeed in your career, I want you to be big in this business.

“Siya kasi ang star banner ng Channel 5, okay sige I get that. But granting galing ka sa trabaho, sabi niya ‘kasi marami akong booking alam ng mommy ko yan, gusto mo kausapin ko pa ang mommy ko.’

“I told her, kahit kausapin ko ang mommy mo but the thing is you made a commitment to this project you come early, ang dami nang beses nakakapagod na rin.

“Sabi ko kung gusto mong magtagal sa industriya hindi dapat ganyan ang ugali, I hope you understand,” ani Dina.

Tanong ni Tito Boy kung paano natapos ang confrontation, “Ang ending nag-iyakan kami, and then okay na. Kumbaga naiyak din ako because nagsalita ako because I have to spill my heart out. Kasi pagod na rin ako.

“Okay kami, tapos na yun. Nag-explain din ang mommy niya na dumating sa set. Nagkataon lang nung presscon may nagtanong sa akin kung meron bang artistang nag-primadonna sa yo, sabi ko marami.

“Then sinabi nila, totoo ba yun na si Alex Gonzaga ganyan-ganyan. Sabi ko huwag na nating pag-usapan yan matagal na yun.

“Hindi ako galit kay Alex, I even guested on her show (noontime program). Tapos she was very nice to me. Nag-usap pa kami sa taping. Masaya kami, nagbiruan kami,” pahayag pa ni Dina.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Alex Gonzaga.

Dina Bonnevie dinipensahan ng netizens laban kay Alex Gonzaga: ‘Own up to your mistake’

Dina Bonnevie awkward nga bang makipag-close kay Pauleen Luna?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jasmine ‘nakatikim’ kina Jaclyn at Dina: Dapat kasi lagi kang handang matuto…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending