Julie Anne dedma sa pasabog ni Alden na muntik na silang maging magdyowa, JulieVer best talent search program host sa Star Awards | Bandera

Julie Anne dedma sa pasabog ni Alden na muntik na silang maging magdyowa, JulieVer best talent search program host sa Star Awards

Reggee Bonoan - January 29, 2023 - 04:58 PM

WALANG reaksyon si Julie Anne San Jose sa revelation ni Alden Richards na iniwan siya nito noon dahil mas pinili ang showbiz career at nagtagumpay naman siya bilang isa sa prime artist ng GMA 7.

Baka sinabihan na rin siguro ng kampo niya si Julie Anne na dedma na lang dahil nakapag-usap naman na sila ni Alden at hindi na dapat mag-react at higit sa lahat, respeto na rin para sa kasalukuyang karelasyon ng aktres na si Rayver Cruz.

Samantala, walang mapagsidlan ng saya ang magdyowang Rayver at Julie Anne dahil nanalo sila bilang Best Talent Search Program Host at ang programa nilang “The Clash” bilang Best Talent Search Program sa katatapos na 35th PMPC Star Awards for Television.

Nakakaaliw panoorin ang JulieVer bilang hosts kahit hindi pa sila magkarelasyon noon dahil may iba pang girlfriend ang TV host-actor at singer ay maganda na ang rapport nila ng dalaga at saya-sayahan lang kaya parati silang tinutukso ng kanilang mga kasamahan sa show at puro tawa at ngiti lang ang sagot nila.

Mahigit dalawang taon ang inabot bago nagkaroon ng feelings sa isa’t isa sina Rayver at Julie Anne kaya malinis at walang tinapakang ibang tao ang dalawa bago naging sila kaya naman walang maibalitang negatibo sa dalawa bagkus ay puro positibo.

Ang pagsamahin sila sa teleserye o pelikula ang inuungot ng kanilang fans noon pa dahil nagkasama na sila sa “The Clash” at “All Out Sundays” bukod pa na laging guest si Rayver sa concerts ni Julie Anne.

At heto na nga, mapapanood na ang JulieVer sa mini-series na “Pag Ibig Na Kaya” na mapapanood sa Universal Record Philippines YouTube channel sa February 3 and 10

Makakasama nila ang Korean actor na si Kim Won Shik na napanood sa Netflix series na “Busted.” Kabilang din siya sa videos na Vixx Voodoo Doll, Beautiful Liar, Chained Up, The Closer, at iba pa.

Base sa trailer ng “Pag-Ibig Na Kaya” ay may relasyon na ang JulieVer at nagkahiwalay dahil nangibang bansa ang aktor para magtrabaho na sinundan naman siya ng aktres

Si Kim Won shik naman ay kasamahan ni Julie Ann sa work o manliligaw kaya magkasama silang tatlo sa trabaho kaya may conflict na.

At bukod sa web series ay may movie na ring sinu-shoot ang JulieVer mula sa GMA Films na si Rod Marmol ang direktor na ang titulo ay “The Cheating Game.” May tentative US show din ang dalawa this year.

Mukhang malabo pang pag-usapan nga talaga nina Rayver at Julie Anne na i-level up ang kanilang relasyon dahil ini-enjoy nila pareho ang kanilang respective career. Sabagay nangako naman ang aktor na ang aktres na ang huling babae sa buhay niya.

Related chika:

‘Hello Searcher’ unang BL dating show sa Pinas: ‘Mga deprived sa landi, mag-ingay! Dasurv mo ng sparks!’

Jodi, JM waging best actress at best actor sa 35th Star Awards for TV; DonBelle, Kelvin-Mikee ‘Power Tandem of the Year’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julie Anne sa pagkabigo sa pag-ibig: Bakit? Ako ba yung nagkulang, saan ako nagkamali?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending