Sey mo Alex sa hugot ni Dawn Chang: ‘Uy, hindi ako namumunas ng icing! Hindi ako ganu’n!’
KAMAKAILAN ay nag-viral ang flash mob ng Darna Super Soldiers kung saan ipinakita ang kanilang super powers at umani agad ng 2.3 billion Tiktok views.
Kaya sa virtual mediacon ng “Darna” ay natanong ang isa sa cast na si Dawn Chang kung ano reaksyon niya dahil sa ginawang ito ng mga netizens.
“Actually, in fairness ang galing ng pag-edit nila nakakatawa. I guess I understand how they feel na probably they feel disappointed according do’n sa mga nakasulat, they have to watch the next episode para mas maintindihan nila.
“Kasi hindi pa nila napapanood ‘yung buo kasi isang clip lang ‘yun, very introduction. Introductory ‘yung napanood nila, so, they have to watch for Maisha (karakter niya) and they have to watch the rest of super soldiers. Actually, happy ako kasi first (scene) nila nasa akin na, so, good job, good job,” kuwento ni Dawn.
Hirit naman ng moderator ng mediacon na si Eric John Salut na mas mabuting panoorin muna ang kabuuan bago mag-react at saka nagbiro ng, “Wala naman siyang…may cake ka ba diyan Dawn?”
Magandang kitchen kasi ang background ni Dawn dahil may inihahanda raw sila kaya natanong kung may cake siya. Sinakyan naman ng dalaga ang viral issue ngayon ni Alex Gonzaga na nagpahid ng cake sa mukha ng isang waiter.
View this post on Instagram
Mabilis na hirit ni Dawn, “Uy, hindi ako namumunas ng icing, hindi ako ganu’n! Gumagawa ako ng cake pero hindi ako namumunas ng icing sa mukha ng (tao).”
Sabi ni Eric John na huwag daw gawin iyon dahil sayang ang cake. Kainin natin dahil masarap ‘yung mga cakes mo (Dawn).
Anyway, ang karakter ni Dawn na si Maisha ay sekretarya ni Mayor Zaldy na ginampanan ni Simon Ibarra na nagsisilbing tenga at mata naman ni General Borgo na ginagampanan ni Richard Quan.
Base sa karakter ng kontrabidang aktres ay ano ang gusto niyang redemption at anong power ang gusto niyang manatili para matulungan ang “Darna” the series.
“Character reference ni Maisha actually have the power to manipulate people through that. Para siyang pipe fighter, so ‘yun ang inspiration niya.
“I think this never happened in the history of Darna and I guess it’s something new, something different and a lot of people can relate because it’s dance and now a days Tiktok is number one.
“Very relatable, maraming nakaka-follow, this is something very new and very relatable and that’s very cool for this adaptation of Darna,” esplika ng dalaga.
Anyway, alamin kung kasangga ang makapangyarihang grupo na tinatawag na Super Soldiers na nakatakda na si Heneral Borgo (Richard) na gawin ang pinakamatinding panlilinlang kay Narda/ Darna (Jane de Leon) para maagaw ang puting bato rito sa hit primetime series na Mars Ravelo’s Darna.
Sina Noah (Paolo Gumabao), Andre (Young JV), Mayor Zaldy (Simon Ibarra), Maisha (Dawn), Sigfried (Joshua Colet), Arthur Pineda (Eric Fructuoso), Ishna (Kim Rodriguez), at (Ali) Mark Manicad ang mga sandata na gagamitin in Borgo laban kay Darna.
Dahil sa berdeng kristal na pumasok sa kanilang katawan, kaya nang magmanipula ng apoy ni Noah habang Si Andre ay may abilidad namang magpasabog.
May ekstrang lakas at kayang magpalaki ng katawan ni Mayor Zaldy habang si Maisha naman ay may kapangyarihang pagalawin ang mga tao.
May control sa basura at iba pang bagay ang dating pulis na si Pineda habang may kakayahan namang gumawa ng force field bilang shield si Sigfried. Aabangan ang magiging transformation ni Ali habang isa namang shapeshifter ang assistant ni Borgo na si Ishna.
Pagkatapos ihanda ni Borgo ang mga miyembro ng kanyang hukbo, ipinakilala na niya ang katauhan niya kay Darna bilang si Rex Vanguardia. Ang patibong na ito ang naisip niyang paraan para tuluyang nang lumabas ang tunay na halimaw sa likod ni Regina/ Valentina (Janella Salvador).
Ngayon na buo na ang plano ni Borgo, mailigtas pa kaya ni Darna ang sarili at ang mga mamamayan ng Nueva Esperanza?
Patuloy ang paglipad nang mataas ng “Darna” sa primetime TV at digital. Noong 2022, umani rin ito ng iba’t ibang Darna-related content sa TikTok na may #Darna na may pinagsamang 2.3 billion views.
Sa darating na Linggo (January 22), nakatakda namang lumipad ang “Darna” cast sa Iloilo para magpasaya sa Dinagyang Festival sa Vista Mall Iloilo.
Huwag palampasin ang mga bigating labanan na magaganap sa “Darna,” Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.
Dawn Chang kasama sa cast ng ‘Darna’ TV series, netizens nag-react: Anong role mo dyan?
Dawn Chang idinamay ng netizens sa pagkatsugi ni Kiko Estrada sa ‘Darna’
Alden hiyang-hiya nang ipa-tattoo ng female fan ang pangalan niya: Grabe naman to!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.