Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN Bandera

Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

Ervin Santiago |January 18,2023
share this

Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

Ervin Santiago - January 18, 2023 - 08:14 AM
Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

Jennica Garcia

NAGPAKATOTOO ang aktres at celebrity mom na si Jennica Garcia sa mga naging kaganapan sa buhay niya at showbiz career nitong mga nagdaang taon.

Maluha-luhang ikinuwento ni Jennica na nawalan na siya ng pag-asa noon na makabalik sa mundo ng showbiz kaya naisipan na niyang mangibang-bansa at mag-OFW.

Kagabi, sa grand mediacon ng latest Kapamilya drama series na “Dirty Linen” inamin ni Jennica na hindi siya handpicked sa ginagampanan niyang role bilang Lala, unlike her co-stars na talagang pinili ng network.

“Bale seven years po akong nag-artista. Seven years din po akong tumigil. Pagbalik ko po nakagawa ako ng isang proyekto tapos wala na pong sumunod and it was almost six months of no work,” pahayag ng dating Kapuso actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica 🦋 (@jennicagarciaph)


Aniya, nagbabalak na siyang magtrabaho sa ibang bansa at maging OFW, dahil gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang dalawa niyang anak.

“Iniisip ko na rin po nu’n na okay lang kapag hindi ako mabigyan. Mag-o-OFW na lang po ako. Ito lang ang alam ko na trabaho e, ang pag-aartista. Ang isa ko na lang pong naiisip ay mag-ibang bansa,” aniya pa.

Dito raw niya naisip ang advice ng kanyang award-winning actress na inang si Jean Garcia na subukan niyang mag-reach out sa ABS-CBN. Sey ni Jennica, nilakasan niya ang loob na kausapin sa pamamagitan ng Viber ang Dreamscape Entertainment executive na si Deo Endrinal.

“Wala po akong kilala sa ABS. Hindi ko po makalimutan ‘yung sinabi sa akin ni mama dati, matagal na ‘yun. Sabi niya, ‘Anak, just in case na maisip mo na gusto mo with ABS-CBN, gusto ko alam mo na Sir Deo is a very trusted friend of mine. You can go to him.’

“Nu’ng time po na ‘yun naisip ko, sige ito na kakapalan ko na ‘yung mukha ko.

“Alam ko na they didn’t think of me when our writers were making Lala into the character that she is today.

“Pinag-igihan ko po talaga kasi para sa ‘kin ang dami kong kailangan patunayan at ayoko mapahiya si Sir Deo,” sey pa ni Jennica na umani ng paghanga at palakpakan mula sa mga kasamahan niya sa serye.

“Ang goal ko ang maiisip ng mga boss ko, ‘tama, dapat siya nga si Lala,’” aniya pa.

Mapapanood na ang “Dirty Linen” simula sa January 23 na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Seth Fedelin at Francine Diaz, mula sa direksyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay.

Jennica umaming wasak ang puso; may open letter para sa 2 anak

Alwyn tuloy ang panliligaw kay Jennica: Patawad sa lahat ng pagkakamali ko, babangon ako mahal

Jennica umalma sa fake news, hindi kailanman sisiraan si Alwyn sa publiko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending