Banat ni Luis sa nang-okray kay Baby Peanut: 'Kayo nga po pinag-isa n'yo pisngi, leeg at baba n'yo di namin kayo pinakikialaman' | Bandera

Banat ni Luis sa nang-okray kay Baby Peanut: ‘Kayo nga po pinag-isa n’yo pisngi, leeg at baba n’yo di namin kayo pinakikialaman’

Ervin Santiago |January 12,2023
facebook
share this

Banat ni Luis sa nang-okray kay Baby Peanut: ‘Kayo nga po pinag-isa n’yo pisngi, leeg at baba n’yo di namin kayo pinakikialaman’

Ervin Santiago - January 12, 2023 - 09:11 AM

Banat ni Luis sa nang-okray kay Baby Peanut: 'Kayo nga po pinag-isa n'yo pisngi, leeg at baba n'yo di namin kayo pinakikialaman'

Luis Manzano at Baby Peanut

NAPAKARAMI pa rin talagang mga taong walang patumangga kung makapang-bash ng kanilang kapwa na akala mo’y sakdal-linis at mga perpekto.

Pero ang pinakamatindi ay yung mga nanlalait at nambabastos sa mga batang wala pang kamuwang-muwang sa buhay, lalo na ang mga sanggol.

Imagine, pati ang two-week-old na  baby ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Isabella Rose Tawile Manzano ay hindi pinatawad ng ilang netizens?!

Nag-post ni Luis sa kanyang Facebook account kamakailan ng litrato niya habang karga-karga ang bagong silang na panganay nila ni Jessy.

Sa nasabing litrato ay tinakpan ng TV host-actor ang mukha ni Baby Peanut ng rose emoji para itago muna sa madlang pipol ang itsura nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)


Marami ang nagtanong kung bakit kailangan pang takpan ni Luis ang mukha ng baby. Ano raw ba ang gustong palabasin ng mag-asawa?

May isang matapang na FB user naman ang nang-usisa sa TV host kung “pisot” daw ba ang kanilang anak. Sa Visaya, ang ibig sabihin ng “pisot” ay hindi tuli pero ginagamit din ito para insultuhin ang itsura ng isang tao.

“Bakit dimo pinakikita mukha ng anak mo pisot ba yan? Dami nyo arte (laughing emojis) by the way congrats na lang sainyo Lucky Manzano,” ang pahayag ng basher sa anak nina Luis at Jessy.

Hindi ito basta pinalampas ni Luis at niresbakan talaga niya ang hater. Pang-aasar niya rito, “Kayo nga po pinagisa niyo pisngi, leeg, at baba niyo di namin po kayo pinapakialaman (laughing emoji).”

Pagkatapos mag-react si Luis sa pamba-bash ng netizen, marami ang kumuyog sa kanya at sinabihan ng kung anu-anong masasakit na salita.

Ipinanganak ni Jessy ang panganay nila ni Luis noong December 28, 2022 ngunit last January 7, 2023  lang nila ito ibinandera sa publiko.

Jessy sinigurong ligtas ang ipinagbubuntis matapos tamaan ng COVID-19: Peanut is normal, napaka-strong niya

Vilma niregaluhan agad ng bonggang regalo ang apo, pinayuhan sina Luis at Jessy: May times na mag-aaway kayo, sa totoo lang, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Luis Manzano ibinandera sa publiko si Baby Peanut pero wala pang pa-face reveal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending