Netizen aksidenteng naplantsa ang polymer banknote: Goodbye P1k | Bandera

Netizen aksidenteng naplantsa ang polymer banknote: Goodbye P1k

Therese Arceo - January 11, 2023 - 10:20 PM

Netizen aksidenteng naplantsa ang polymer banknote: Goodbye P1k
LABIS ang nadaramang panghihinayang ng netizen na si Jonathan De Vera matapos nitong aksidenteng maplantsa ang bagong P1,000 polymer banknote.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang nangyari sa bagong pera matapos niya itong maplantsa nang hindi sinasadya.

“Isang nakakaasar na kaganapan. Basahin at intindihin, wag tularan,” paalala ni Jonathan sa kanyang viral post.

Pagpapatuloy niya, “Naiwan ko sa bulsa ng pantalon ko ang [P1,000 polymer banknote ko]. It so [happened] na nagplantsa ako. Nakapa ko lang [noong] binaligtad ko [na ‘yung] pantalon ko. Ito ang nangyari.”

Ipinost rin niya ang larawan ng naturang polymer banknote na nag-iba na ang itsura.

Kumunsulta pa nga si Jonathan sa bangko kung maaari pa ba itong mapalitan ngunit hindi na raw nila ito matatanggap.

“In short souvenir ko na ‘to. Moral lesson: wag ilalagay ang pera sa pantalon kundi sa wallet. Goodbye 1k pandagdag ko pa naman sa enrollment fee ko.”

Pero nang makausap siya ng Inquirer kahapon, January 10 ay sinabi niyang dumulog rin siya sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) patungkol sa nangyari sa kanyang pera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Be An INQUIRER (@beaninquirer)

Lahad ni Jonathan, sinabi ng BSP na mapapalitan pa ang kanyang pera ngunit kinakailangan muna nitong dumaan sa standard testing procedures.

Nitong araw nga ay ibinahagi niya sa kanyang Facebook account na dinala na niya ito sa BSP.

Pagbabahagi ni Jonathan, “Just a Heads up on the 1k bill. Dinala ko na po sa BSP Manila this morning. They accommodated me and am really impress with their service. Salamat po sa mga tauhan ng #BSP for welcoming me. Ang 1k bill ay dadalhin sa department na in-charge to examine sa Quezon City.”

Aniya, tatawagan na lang daw siya ng BSP kapag nailabas na ang resulta. Nagpasalamat rin siya sa lahat ng mga taong nag-advise sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin sa naplantsang pera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ogie Diaz sa bagong P1,000 polymer banknote: So ano ito? Mag-a-adjust kami sa pera?

Ano nga ba ang mga pwede at hindi pwedeng gawin sa bagong P1,000 polymer banknote?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending