Fans ni BTS Jin pinagbawalan munang magpadala ng sulat, regalo
PINAGBAWALAN na muna ng talent agency ng K-Pop sensation na BTS ang fans na magpadala ng mga sulat at regalo kay Jin.
Sa pamamagitan ng fan community platform na Weverse, sinabi ng Big Hit Music na pansamantala lang ito habang nasa mandatory military service ang Korean star.
Imbes na sulat at regalo, mas inirerekomenda ng ahensya na magbigay na lamang ng mensahe sa Weverse.
Saad sa inilabas na pahayag ng talent agency, “We ask that you please refrain from sending anything by mail.
“Big Hit Music will assist in making sure that Jin is able to check himself all the warm messages that fans leave on Weverse using the hashtag #Dear_Jin_from_ARMY.”
Patuloy pa ng ahensya, “Jin is stationed at a training center designated specifically for military training together with regular military personnel.
“If a large number of letters and gifts from the fans arrive at the center all at once, it would be difficult to store them, and they could be easily lost.”
Muli ring pinaalala ng Big Hit na bawal pa ring bisitahin ng fans si Jin sa recruit training graduation ceremony sakaling ma-assign sa ibang military base ang Korean idol.
Lahad ng talent agency, “Instead, we ask you to keep your heartwarming words of support and farewell in your hearts.
“We ask for your continued love and support for Jin until he finishes his military service and comes back in good health.”
Matatandaang bago sumabak sa military service si Jin ay naglabas muna siya ng single na pinamagatang “The Astronaut” noong Oktubre.
Ang nasabing kanta ay isinulat ni Jin at ng isa sa mga miyembro ng British rock band na Coldplay na si Chris Martin.
Related chika:
Military photo ni BTS Jin nag-leak sa socmed, fans naging emosyonal: ‘We are waiting for you’
BTS Suga hahataw sa sariling online talk show, sasabak sa 1-on-1 inuman
Jin ng BTS nagsimula na sa kanyang mandatory military service sa South Korea
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.